Tuesday, November 5, 2013

Nuclear power vs global warming

PITTSBURGH (AP) — Sinabi ng ilang top climate scientist ng mundo na hindi sasapat ang wind at solar energy para labanan ang matinding global warming o pag-init ng mundo, at hinihiling sa mga environmentalist na suportahan ang pagdebelop ng mas ligtas na nuclear power bilang paraan para mabawasan ang polusyon ng fossil fuel.



Apat na scientist na may pangunahing papel sa pag-alerto sa publiko sa mga panganib ng climate change ang lumiham noong Linggo sa mga environmental group at mga politiko sa buong mundo para himuking pag-isipan ang papel ng nuclear power sa paglaban sa climate change.


Nagkakasundo ang mga environmentalist na ang global warming ay banta sa ecosystem at sangkatauhan, ngunit marami ang kumokontra sa nuclear power at naniniwala na ang bagong uri ng renewable energy ay kayang pailawan ang mundo sa loob ng mga susunod na dekada. Hindi ito realistic, saad sa liham.


“Those energy sources cannot scale up fast enough” para maghatid ng dami ng mura at maasahang power na kinakailangan ng mundo, at “with the planet warming and carbon dioxide emissions rising faster than ever, we cannot afford to turn away from any technology” na may potential para bawasan ang greenhouse gases.


Ang mga liham ay nilagdaan nina James Hansen, dating top NASA scientist; Ken Caldeira, ng Carnegie Institution; Kerry Emanuel, ng Massachusetts Institute of Technology; at Tom Wigley, ng University of Adelaide sa Australia.


Ngunit nagbabala ang malaking environmental advocacy organization na Natural Resources Defense Council, na “nuclear power is no panacea for our climate woes.”


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Nuclear power vs global warming


No comments:

Post a Comment