Thursday, November 14, 2013

Non, ayaw pang magkumpiyansa sa Barangay Ginebra San Miguel

Ni Marivic Awitan


“Hindi gaanong kalakas ang Barangay Ginebra San Miguel”.


Ito mismo ang iginiit ni Ginebra Board of Representative at dating PBA Chairman Robert Non na nagsabing sa papel lamang maituturing na malakas ang kanyang koponan dahil sa sinasabing nakumpleto nilang line-up na dulot ng kanilang mga bagong kinuhang player.



Bukod sa naging pahayag ng walo sa sampung koponang miyembro ng Philippine Basketball Association (PBA), ang Kings ang isa sa tatlong nangungunang paboritong koponan sa darating na PBA Philippine Cup.


“Masarap maging paborito, pero sana nga totoo. Pero malakas lang kami sa papel kasi doon sa dating mga player, tatlo na lamang ang natira at lahat ay puro bago na kaya kailangan pa ng team na magkasamasama,” pahayag ni Non na tinutukoy ang mga natirang orihinal na miyemro ng dating koponan ng Kings sa nakalipas na season na sina Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand at Billy Mamaril.


Sinabi rin ni Non na maaring magkaalaman kung sino talaga ang matitirang matibay na koponan pagkatapos na ng second round sa elimination ng unang conference at umaasa siyang isa na ang Kings sa mga iyon.


“Sana nga makapag-gel kaagad ang team kasi lahat puro sophomores at rookies so kinakailangan pa talaga ng mahaba-habang period of adjustment,” giit pa ni Non sa kanyang ginawang pag-downplay sa tsansa ng kanyang koponan.


Idineklarang paborito ang Kings ng mga kalabang koponan dahil nagawa na nilang punan ang mga puwestong kulang sa kanila noong nakaraang taon, partikular ang gitna sa pagkakakuha sa overall top pick na si Greg Slaughter at mahusay na backup guard sa katauhan ni Fil-Canadian James Forrester.


Ito rin ang naging pananaw ng Board of Governors na sina Lito Alvarez ng Air21 Express, Rene Pardo ng San Mig Coffee, Alaska alternate Governor Dickie Bachmann, Mert Mondragon ng Rain or Shine, Manuel Alvarez ng Barako Bull, Eric Arejola ng Globalport, PBA Chairman Mon Segismundo ng Meralco at PBA treasurer Pato Gregorio ng Talk ‘N Text kung saan ay magbubukas sa tatlong venue sa Luzon, Visayas at Mindanao ang Philippine Cup sa Linggo.


Si Petron Blaze Governor Ely Capacio ang tanging hindi nakadalo sa ginanap na press conference noong Martes sa Makati Shangrila.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Non, ayaw pang magkumpiyansa sa Barangay Ginebra San Miguel


No comments:

Post a Comment