Thursday, November 21, 2013

Nolte kakanain ang Top 10

PUMITAS ng tig-isang panalo at tabla si Pinoy International Master Rolando Nolte upang mapaganda ang kanyang puwesto sa nagaganap na Chennai Grand Master International Open Chess Tournament sa Jawaharlal Nehru Stadium, Periamet, Chennai kagabi.


Inararo ni 1992 World Chess Olympiad Philippine team member Nolte (elo 2436) si Daklia Shreyansh ng India sa round seven habang nauwi sa tabla ang laban nito kay GM Azer Mirzoev (elo 2519) ng Azerbaijan sa eighth round.


May total 5.0 points si Nolte papasok ng round nine kung saan ay makakaharap nito si Inidian chesser Teja Ravi (2302).


Kailangan manaig ni Nolte sa ninth round upang sumampa muli ito sa top 10.


Samantala, nangingibabaw si Russian woodpusher at IM Mikhail Mozharov (elo 2508) sa standings nang magsumite ito ng solo seven points matapos ang walong rounds.


Pinisak ni Mozharov si GM Vidit Santosh Gujrathi matapos ang 34 moves ng Caro-Kann defense sa round seven habang draw ang laro nito sa round eight kay Chithambaran Aravindh para makalikom ng 7 puntos.


Makakalaban ni Mozharov sa ninth round si Prasanna Vishnu.


Ang nasabing event ay inorganisa ng Gobyerno ng Tamilnadu bilang selebrasyon sa nagaganap na 2013 FIDE World Championship Match sa pagitan nina defending champion GM Vishwanathan Anand (elo 2775 ) ng India at challenger at world’s No. 1 player Magnus Carlsen (elo 2870) ng Norway.


The post Nolte kakanain ang Top 10 appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Nolte kakanain ang Top 10


No comments:

Post a Comment