Tuesday, November 26, 2013

No. 3 top drug personality nadakip

SWAK sa kulungan ang number 3 drug personality sa Lanao del Norte at pamangkin nito matapos madakip ng awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Lanao del Sur.


Kinilala ang nadakip na suspek na si Maminta Balindong Ali, alyas Inta o Barrio, 47, nasa listahan ng Number 3 Regional Top Priority Target Drug Personality ng PDEA Regional Office 9 at kanyang pamangkin na si Alinor Sampurna Ali, 23, miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) kapwa ng Barangay Liangan, Picong, Lanao del Sur.


Ayon sa PDEA noong Nobyembre 24, 2013 nadakip ng operatiba ng PDEA Regional Office 9 (PDEA RO9) sa pakikipagtulungan ng PDEA Regional Office Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Zamboanga del Sur PNP sa isang buy bust operation sa bisinidad ng Barangay Liangan, Picong, Lanao del Sur.


Nabatid sa PDEA na las-10:00 ng umaga isang undercover agent ng PDEA ang nagpanggap na poseur-buyer at matagumpay na nakapasok sa drug transaksyon sa Maminta, at nagkasundo na magbebenta ng shabu na tumitimbang na 2.5 gramo sa Brgy. Liangan, Picong, Lanao del Sur.


Matapos iabot ang droga agad dinakip si Maminta ng mga nakapaligid na operatiba ng PDEA at nakumpiska sa kanya ang may 313 piraso ng plastic sachets na naglalaman ng shabu na tinatayang 45 gramo, isang Colt M16 rifle, apat na piraso ng magazine na Colt M16 rifle at 80 piraso ng bala.


Nadakip naman ng awtoridad si Alinor habang nagtatago sa isang kuwarto na armado ng M16 at pinaniniwalaang look out ni Maminta.


The post No. 3 top drug personality nadakip appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



No. 3 top drug personality nadakip


No comments:

Post a Comment