Wednesday, November 13, 2013

Ngumiti sa gitna ng unos – psychiatrist

Kailangan ngayon sa mga biktima ni Yolanda ang mga komediyante, aktor at aktres.


Sa lingguhang Fernandina Forum sa Club Filipino, Greenhills, San Juan City, sinabi ni Dr. Lourdes Ladrido-Ignacio, isang psychiatrist, na malaking papel ng mga nabanggit na mapasaya ang mga biktima ng kalamidad. Aniya, mahalagang maibsan ang bigat na pinapasan ngayon ng mga survivor sa kalamidad.



“Nakabubuti na magsagawa ng songfest, sportsfest,” pahayag ni Ignacio.


Aniya, dapat ipagdiwang pa rin ang Pasko kahit simple lamang para makalimutan ang trauma sa sinapit na trahedya.


Sinabi rin nito na dapat isailalim din sa psychosocial intervention ang Pangulong Benigno Aquino III at miyembro ng gabinete, mga rescuer at nagsasagawa ng relief operations gayundin ang mga mamamahayag dahil tao rin ang mga ito at apektado rin sa trahedya.


“Take a break… breathe,… or sing a song,” payo Dr. Ignacio.


Inihayag pa nito na kailangang sumailim sa debfriefing ang mga nawalan ng mahal sa buhay dahil mabigat ang survivor’s guilt. – Mac Cabreros


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Ngumiti sa gitna ng unos – psychiatrist


No comments:

Post a Comment