Wednesday, November 13, 2013

NFA warehouse sa Leyte gumuho, 8 patay

Gumuho ang isang warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Alangalang, Leyte na nagresulta sa pagkamatay ng walo katao, habang ninanakawan ng daan-daang residenteng naapektuhan ng bagyong “Yolanda” noong Lunes ng gabi.


Sinabi sa ulat na aabot sa 33,000 sako ng bigas ang natangay ng mga desperadong residente.



Ayon kay NFA administrator Orland Calayag, ang NFA warehouse ay may layong 15 kilometro sa Tacloban City, ang pinakamatinding pininsala ng bagyo.


“Hindi na napigil ang mga tao. Napakaraming taong pumasok, daan-daang tao. Nag-collapse ang warehouse at walo ang namatay at may ilan pang naiulat na nasugatan,” sabi ni Calayag.


Nilinaw nito na wala nang nagawa ang mga kawani ng ahensiya na noo’y nagbabantay sa lugar dahil na rin sa daan-daang pumasok sa bodega.


Aniya, bumigay ang bahagi ng warehouse at bumagsak sa kamada ng bigas sa mga nagkakagulo. – Rommel P. Tabbad


.. Continue: Balita.net.ph (source)



NFA warehouse sa Leyte gumuho, 8 patay


No comments:

Post a Comment