Monday, November 11, 2013

Neri Naig, balak kuning bida ng ‘Obsesyon’

Ni Jimi C. Escala


NERI NAIG SA kabila ng matinding kontrobersiya na kinasangkutan ni Neri Naig ay naging tahimik lang ang aktres. Katwiran niya ay kusa namang mamamatay ang isyu, kagaya ng mas mga kontrobersiyal na isyu na gumimbal sa buong showbiz.


Dahil na rin sa isyu, akala ni Neri ay katapusan na rin ng showbiz career niya. Malamang daw na wala nang offer na darating sa kanya. Pero tiyak daw na ikatutuwa ni Neri ang balita na siya ang binabalak gawing bida sa bagong drama series ng TV5 na Obsession.



Si Alwyn Uytingco ang isa sa kinukuhang makakapareha ni Neri sa nasabing serye.


Siyempre, sa title pa lang ay alam nating may pagkaseksi ang tema ang tema ng serye.


Pero ang malaking tanong ay tatanggapin kaya ito ni Neri? Handa na ba siyang humarap sa movie press kapag inilunsad ang serye?


“Well, walang magagawa si Neri kundi sumagot sa mga maaaring itanong sa kanya. Sigurado ako na sasagutin niyang lahat ‘yan. Pero ang importante sa amin, eh, magbibida na rin siya sa wakas,” sabi ng aming kaibigan na malapit kay Neri Naig.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Neri Naig, balak kuning bida ng ‘Obsesyon’


No comments:

Post a Comment