Wednesday, November 13, 2013

Negosyante, pinagsasaksak ng helper na hindi pinabale

Ni Jun Fabon


Pinaghahanap ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang helper na pumaslang sa amo nitong negosyante sa Quezon City, iniulat kahapon ng pulisya.


Tinutugis ngayon ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang suspek na si Cristinel Galego, 25, delivery boy.



Base sa report ng Batasan Police Station 6, dakong 3:00 ng madaling araw nang pagsasaksakin hanggang sa mapatay ni Galego ang kanyang amo na si Rodolfo Sioson, isang LPG dealer, ng 209 Pacamara St., Barangay Commonwealth, Quezon City.


Una rito, natuklasan ng pulisya ang bangkay ni Sioson na tadtad ng saksak sa loob ng kanyang kuwarto.


Batay sa salaysay ng mga saksi, hinala ng pulisya na bago ang insidente ay humihiling umano ng bale sa kanyang amo si Galego para tulungan ang kaanak sa Leyte na biktima ng bagyong Yolanda.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Negosyante, pinagsasaksak ng helper na hindi pinabale


No comments:

Post a Comment