Monday, November 11, 2013

NDRRMC handa na sa bagyong Zoraida

HANDA na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa posibleng pananalanta ng bagyong Zoraida na maagang nag-landfall sa mga dadaanang lugar.


Tiniyak ni NDRRMC spokesman Reynaldo Balido Jr. na nakaalerto na ang mga tauhan sa mga daraanan ng bagyo partikular na ang Region 13.


Naka-monitor na rin ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Officers upang agarang makatugon sa mga inaasahang maaapektuhan ng bagyong Zoraida.


Ipinabatid din ni Balido na ipinakalat na sa iba’t ibang rehiyon ang weather update ng PAGASA para ihanda ang mga ito sa pagdaan ng panibagong bagyo.


The post NDRRMC handa na sa bagyong Zoraida appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



NDRRMC handa na sa bagyong Zoraida


No comments:

Post a Comment