Thursday, November 14, 2013

Nawindang nang first time makahalik ng kapwa lalaki!

BALIK sa live telecast ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa morning show niya na Kris TV noong kasagsagan ng paglikom ng tulong ng ABS-CBN para sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan.

Napabilib naman kami sa ipinalabas sa CNN ang pagligtas ng storm chaser group sa ilan nating kababayan na na-trap din sa hotel na tinutuluyan nila sa Tacloban City.

Nakapaninindig balahibo naman ang nakuha nilang sound sa napakalakas na hangin na pilit ginigiba ang mga bintana at pinto sa hotel nila. Parang pang-horror movie talaga ang sound, grabe!


Ultimo si Anderson Cooper ng CNN ay pumunta ng Pilipinas para sa coverage nila sa kalagayan ng mga biktima ng itinalang isa sa limang pinakamalakas na bagyong dumaan sa buong mundo. Doon nainterbyu ni Anderson ang Tacloban City Mayor na si Alfred Romualdez at Red Cross head na si Richard Gordon. Prior to Anderson’s show, nainterbyu naman ni Pierce Morgan sa CNN ang misis ni Mayor Alfred at Konsehala ng Tacloban na si Cristina Gonzales at Congressman Martin Romualdez.


Dahil sa pagtutok namin sa CNN, ilang araw na kaming puyat, huh? Kaya gets namin nu’ng nalungkot si Kris sa pagpunta niya sa Japan recently. Almost perfect na nga raw sa kanya ang Japan except for one thing. At ‘yun ay ang kawalan ng CNN channel sa Japan.


May mga nang-iintriga naman kay Kris sa tsekeng ibinigay niya worth P400,000 sa kaibigan niya at Congresswoman ng Leyte na si Lucy Torres. Naka-post kasi ang tseke sa Facebook. Kinukwestyon si Kris bakit pa niya pinost ang tseke na ibinigay niya.


It turned out pala na si Cong. Lucy ang nag-post noon. Sa interbyu ni Cong. Lucy sa Kris TV last Monday, sinabi niya na kailangan ipaalam kung sino ‘yung mga tumutulong para malaman nu’ng tinutulungan kung sino-sino ang tumutulong sa kanila, alam nila na may pinadalang tulong and not for anything else.


Hay naku ang mga Pinoy talaga. Damned if you do, damned if you don’t. But at least si Kris, tumulong na, ‘di ba?


Anyway, magpapa-house blessing siya sa bago niyang bahay sa Greenmeadows sa Huwebes. Hindi pa raw totally gawa ‘yung buong bahay. Pero ipapa-bless lang daw ni Kris dahil swerte date raw ‘yun.


And then, over the weekend magshu-shoot ulit si Bimby para sa Metro Manila Fimfest movie nila na My Little Bossing.

-ooOoo-


BALIK showbiz si RK Bagatsing via the indie film Slumber Party. Unang nag-try sa showbiz si RK nu’ng 12 years old siya sa youth oriented show na Best Friends sa GMA7. Tumigil siya para harapin ang pag-aaral hanggang sa magtrabaho sa isang corporate company.


But later on na-realize niya na gusto niyang umarte tulad ng kuya niya na si Raymond Bagatsing. Pero ‘di naging ganoon kadali kay RK ang makabalik. Sandamakmak daw na gosee ang pinuntahan niya na hindi siya pinalad makuha.

Until nakita niya sa Facebook ang audition for the roles para sa Slumber Party ni Direk Emmanuel dela Cruz na ipapalabas on November 27.


Tatlong taon pa lang ang nakalilipas nu’ng magdesisyon na bumalik ulit sa showbiz si RK Bagatsing. And his biggest break so far is one of the lead stars ng indie film na Slumber Party.


“‘Pag punta ko sa venue, ‘Tama ba ‘tong lugar na ‘to,’ nag-iisip ako kasi puro beki ‘yung nandoon. Sabi ko, bakit ganoon, puro beki? Naisip ko na lang siguro may magandang role for beki. E, talagang maraming beki. Sabi ko, bahala na. Magbabasa ako kay Jonel, ‘yung character nu’ng frat guy. Tapos sabi lang nila, ah, ‘yung kuya mo magaling sa beki role. ‘Ah, oo, sabi ko.’ ‘Gusto mo bang subukang mag-audition for the beki?’ sabi ko, ‘Sige, nandito na po tayo, e.’ Ayun, nagbasa and then, after noon kinalimutan ko na. Kasi parang hindi na ako umasa. And then, naka-receive ako ng tawag. Kinu-consider daw nila ako for a role,” kwento ni RK.


May kissing scene si RK at co-star niya na si Sef sa ‘Slumber Party.’


“Uminom ako noon, e, hahaha! Isang bote lang pero straight. Kinabahan ako siyempre dahil first time ko’ng hahalik ng lalaki. Pero nabasa ko naman ‘yung script. Hindi ko alam na that day kukunan ‘yung kissing scene. Pero hindi naman siya naging ano talaga, kasi trinain kami ni Emman (their director), to focus on the character. Hindi naman si RK ang humahalik, e, it’s the character. At meron naman pinanggagalingan ‘yung character,” esplika niya.


Anim na beses daw nilang ginawa ang kissing scene.


“Six takes ‘yun, rehearsal-take. Hindi kasi, they want to capture ‘yung essence ng ano, not because a guy is kissing a guy. It’s their emotions, e. Bakit nila hinalikan ‘yung isa’t isa.”


Doktor ang girlfriend ni RK ngayon.


“Dati sa Makati Med siya, ngayon sa Manila. Magde-derma siya, cosmetics. Matagal na kami. Nababanggit ang kasal pero ‘yun nga, sabi niya, ‘Ano ba? Kailan ka ba,’ haha! Hindi, mag-iipon pa rin naman siya, e. Para sa amin, haha. Sabi ko nga, ‘Ayusin mo ‘yan, ha, para buhayin ako.’ Hahaha! ‘Ayusin mo ‘yan, ipro-promote ko na lang ang clinic mo,” birong seryoso ni RK.


The post Nawindang nang first time makahalik ng kapwa lalaki! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Nawindang nang first time makahalik ng kapwa lalaki!


No comments:

Post a Comment