Sunday, November 3, 2013

Narvasa, pararangalan ng Korte Suprema

Makararanas ng pagsisikip ng trapiko sa Taft Avenue at sa iba pang lansangan sa Maynila ngayong Lunes dahil isasara ang isang bahagi nito kaugnay ng pagbibigay ng huling respeto ng mga opisyal at kawani ng Korte Suprema sa yumaong Chief Justice Andres Narvasa.



Sa isang text message, sinabi ni Supreme Court Spokesman Theodore Te na bibigyan ng full honor ng Kataas-taasang Hukuman si Narvasa, na isasailalim sa cremation ang labi nito sa Mt. Carmel Shrine Parish sa Quezon City dakong 9:00 ng umaga ngayong Lunes bago ilipat sa SC en banc session hall hanggang 2:00 ng hapon.


Binansagan ng mga mamamahayag bilang “Gray Dean” dahil sa kanyang pinaghalong puti at itim na buhok na crew-cut, pumanaw si Narvasa noong Huwebes sa edad na 84 dahil sa pneumonia.


Inaasahang dadalo sa seremonya ang mga kasalukuyan at retiradong mahistrado ng Korte Suprema.


Dahil dito, pinayuhan ni Te ang mga motorista na iwasan ang Padre Faura Street mula 7:00 ng umaga hanggang 9:15 ng umaga upang hindi maipit sa trapiko.


Kilalang “legal luminary,” si Narvasa ang natatanging punong mahistrado na nagpanumpa sa tungkulin sa dalawang pangulo ng bansa—sina Fidel V. Ramos noong 1992 at Joseph Estrada noong 1998. – Leonardo D. Postrado


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Narvasa, pararangalan ng Korte Suprema


No comments:

Post a Comment