Wednesday, November 6, 2013

Napoles: ‘Pork’ sa tanghali, ‘pork’ sa gabi

Ni Aris Ilagan, Editor


Isang araw bago ang kanyang inaasahang pagdalo sa pagdinig sa Senado, hindi pa rin tinatantanan ng isyu ng “pork” ang kontrobersiyal na negosyanteng si Janet Lim-Napoles.


Itinuturong utak sa P10 billion pork barrel scam at ilang ulit na naiulat na may alta-presyon, hindi pa rin makaiwas ang 49-anyos na si Napoles sa “pork.”



Ito ay matapos maghain ang Philippine National Police (PNP) pork meal para kay Napoles, na nakadetine sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna, halos buong araw kahapon.


Ayon sa PNP Public Information Office, ang inihaing pagkain para kay Napoles ay tuyo at itlog sa almusal; porkchop adobo sa tanghalian; at pork menudo sa hapunan.


Hindi naman nangangamba ang PNP sa isyu ng cholesterol sa tinaguriang “pork barrel queen” dahil ang naitalang blood pressure ng ginang ay 140/80 kahapon ng umaga. Dati-rati’y isda at gulay ang karaniwang isinisilbi kay Napoles.


Ang mga inihaing pagkain para kay Napoles ay kabilang sa food ration na siya ring inihahain sa mga tauhan ng PNP Special Action Force (SAF) na sumasailalim sa Fort Sto. Domingo.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Napoles: ‘Pork’ sa tanghali, ‘pork’ sa gabi


No comments:

Post a Comment