Tuesday, November 5, 2013

Napoles, humirit din na ipagpaliban ang Senate hearing; Guingona, ‘di bumigay

Ni Hannah Torregoza


Humirit din ang tinaguriang “pork barrel queen” na si Janet Lim Napoles na ipagpaliban ang kanyang pagdalo sa Senate Blue Ribbon Committee bukas, Nobyembre 7, dahil sa kawalan ng abogado.


Sa kanyang liham kay Senate President Franklin Drilon at Senate Blue Ribbon Committee Chairman Teofi sto “TG” Guingona III, hiniling ng negosyante na ipagpaliban muna ang pagdinig hanggang siya ay nakapili na ng kanyang legal counsel.



Ito ay matapos magbitiw si Atty. Lorna Kapunan bilang legal counsel ni Napoles hindi lamang sa kasong illegal detention na inihain laban sa negosyante sa Makati City Regional Trial Court ngunit maging sa pagkakasangkot nito sa P10-billion pork barrel scam.


“Wala po akong intensiyon na suwayin ang pinag-uutos ng Senado na humarap, kahit na mismo sa aking personal na paniniwala ay walang mabuting maidudulot ang aking presensya ukol sa nasasabing pagdinig,” sinabi ni Napoles.


Subalit inihayag ni Guingona kay Napoles na walang plano ang komite na ipagpaliban ang pagdinig.


“We regret to inform you that your request is denied. Please be informed that the said hearing will proceed as scheduled,” sinabi ni Guingona sa kanyang liham kay Napoles.


Ani Guingona, handa ang komite na bigyan si Napoles ng isang abogado mula sa Public Attorney’s office upang kumatawan sa kanya sa kanyang pagkakasangkot sa pork barrel scam.


Matatandaan na hiniling din ni Sen. Sergio Osmeña III kay Guingona na ipagpaliban ang pagdinig sa pork barrel controversy, kung saan nakatakdang dumalo si Napoles, upang mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng senador na makadalo dahil karamihan sa mga ito ay nasa ibang bansa habang nakarecess ang Kongreso


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Napoles, humirit din na ipagpaliban ang Senate hearing; Guingona, ‘di bumigay


No comments:

Post a Comment