Wednesday, November 6, 2013

Napoles, haharap ngayon sa Senado

Ni Hannah L. Torregoza


Sa kabila ng mga panawagan na ipagpaliban ang pagdinig sa P10-billion pork barrel scam, tuloy na tuloy na ang ikaanim na public hearing sa Senado hinggil sa kontrobersiyal na isyu kung saan inaasahang dadalo ang arestadong negosyante na si Janet Lim-Napoles, itinuturong utak sa anomalya.



Sinabi ni Senate President Franklin Drilon, itatrato nila si Napoles bilang isang resource speaker tulad ng ibang indibidwal na ipinatawag ng Senado sa mga nakaraang imbestigasyon.


Una nang tinanggihan ni Senator Teofisto “TG” Guingona ang hiling ni Napoles na ipagpaliban ang pagdinig dahil sa kawalan ng abogado, matapos magbitiw si Atty. Lorna Kapunan bilang kanyang legal counsel.


Subalit giit ng mga senador na bibigyan siya ng abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) upang mapangalagaan ang kanyang mga karapatan.


“She can accept or reject these PAO lawyers as stated under the Senate Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation, Section 14, Right to Counsel,” sabi ni Drilon.


“At every hearing, public or executive, every witness shall be accorded the right of having a counsel of his own choice,” dagdag ni Drilon tungkol sa probisyon sa Section 14 of the Senate Rules.


Bukod kay Napoles, sinabi ni Guingona na anim na whistleblower na nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pinatawag sa pagdinig ng Senado.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Napoles, haharap ngayon sa Senado


No comments:

Post a Comment