Monday, November 11, 2013

Napocor barge sumadsad sa Iloilo, lumikha ng oil spill

Sa layuning hindi na lumawak pa ang pagkalat ng langis, naglagay na ng oil spill boom ang Philippine Coast Guard (PCG) sa paligid ng barge na sumadsad sa dalampasigan ng Botongan, Estancia, Iloilo.


Ayon sa PCG, ang aksyon ay matapos iulat na patuloy ang pagkalat ng langis mula sa sumadsad na Napocor Power barge 103.



Napag-alaman na ang barge ng Napocor ay sumadsad sa dalampasigan matapos hambalusin nang malakas na alon dulot ng supertyphoon Yolanda.


Nasa 1.4 milyong litro ang karga ng power barge at tinatayang nasa 200,000 litro na ang tumagas. Patuloy naman ang monitoring ng PCG sa oil spill. – Beth Camia


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Napocor barge sumadsad sa Iloilo, lumikha ng oil spill


No comments:

Post a Comment