Friday, November 22, 2013

Namamatay sa NCD, nabawasan —DoH

Nabawasan ang mga Pinoy na namamatay sa mga noncommunicable disease (NCD), patunay na nagiging epektibo ang kampanya ng gobyerno para sa mas malusog na lifestyle, ayon sa Department of Health (DoH).


Ito ang inihayag ni Health Assistant Secretary Eric Tayag noong Huwebes, sa paglagda sa memorandum of understanding (MOU) sa siyam na iba pang partner institution para sa programang “Pilipinas Go 4Health” sa DoH main office sa Maynila.



Ayon kay Tayag, kumpara sa naitala sa nakalipas na mga taon, nabawasan ng limang porsiyento ang namatay sa NCD, gaya ng cancer, diabetes, sakit sa puso at chronic respiratory disease.


Ito ay matapos na ilunsad noong Hunyo ng DoH ang “Pilipinas Go 4Health” na nagsusulong ng regular na ehersisyo, wastong nutrisyon at pagtigil sa paninigarilyo at pag-inom ng alak.


Layunin ng programa na mabawasan ang mga kaso ng NCD, na nananatiling pangunahing dahilan ng pagkamatay sa bansa.


Para paigtingin ang programa, makatutuwang ng DoH ang Philippine Rice Research Institute, Polytechnic University of the Philippines, Asian Hospital and Medical Center, Asian Medical Students Association at GTMetro Foundation. – Samuel P. Medenilla


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Namamatay sa NCD, nabawasan —DoH


No comments:

Post a Comment