Monday, November 4, 2013

Mursi, nilitis na

CAIRO (Reuters)— Nagsimula na ang paglilitis sa unang malayang inihalal na pangulo ng Egypt na si Mohamed Mursi, noong Lunes sa ilalim ng matinding security crackdown na sumalanta sa kilusang Muslim Brotherhood at nagtaas ng mga pangamba na ibinabalik ng army-backed government ang police state.



Pinatalsik ng popular uprising ang diktador na si Hosni Mubarak noong 2011 na nagtaas ng pag-asa ng mga Egyptian na mapuputol na ang paghari-harian ng militar. Ngunit nabigo ang world’s most populous Arab nation sa pagbabagong political nito at nagbabalik ang mga heneral sa kapangyarihan, na ikinadismaya ng Western allies ng Cairo na umaasa sa demokrasya.


Si Mursi, pinatalsik ng army noong Hulyo 3 kasunod ng mga protesta laban sa kanyang pamamahala, ay nakatakdang humarap sa korte kasama ang 14 pang matataas na opisyal ng Muslim Brotherhood sa kasong pang-uudyok sa karahasan. Kapag napatunayang nagkasala, mahaharap sila sa life sentence o death penalty.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Mursi, nilitis na


No comments:

Post a Comment