Thursday, November 14, 2013

Mundo, natatalo sa laban vs diabetes

NATATALO ang mundo sa laban nito sa diabetes sa pagtaas ng bilang ng mga taong tinatayang taglay ang sakit sa bagong record na 382 milyon ngayong taon, sinabi ng medical experts noong Huwebes.


Karamihan ay mayroong type 2 diabetes – ang tipo na iniuugnay sa obesity at kakulangan ng exercise – at kumakalat ang epidemya habang dumarami ang mga tao sa mga umuunlad na bansa na sumusunod sa Western, urban lifestyles.



Ang huling estimate mula sa International Diabetes Federation ay katumbas ng global prevalence rate na 8.4 porsiyento ng adult population at kumpara sa 371 milyong kaso noong 2012.


Pagsapit ng 2035, hinulaan ng organisasyon na ang bilang ng mga kaso ay aakyat ng 55 porsiyento sa 592 milyon.


“The battle to protect people from diabetes and its disabling, life-threatening complications is being lost,” sabi ng federation sa sixth edition ng kanyang Diabetes Atlas, binigyang diin na ang mga namamatay sa sakit ay umaabot na ngayon sa 5.1 milyon bawat taon o isa sa bawat anim na segundo.


Ang mga taong may diabetes ay kulang sa blood sugar control, na maaaring magdulot ng mga mapanganib na komplikasyon, kabilang ang pinsala sa mata, bato at puso. Kapag hindi nalunasan, maaari itong magresulta sa biglaang pagkamatay.


“Year after year, the figures seem to be getting worse,” sabi ni David Whiting, epidemiologist at public health specialist sa federation. “All around the world we are seeing increasing numbers of people developing diabetes.”


Sinabi niyang kailangan na ang istratehiya ay dapat na kasasangkutan ng lahat ng bahagi ng lipunan para mapabuti ang diet at maisulong ang mas malusog na lifestyle. – Reuters


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Mundo, natatalo sa laban vs diabetes


No comments:

Post a Comment