Monday, November 11, 2013

Muling pagpapaliban ng special polls sa Bohol, pinag-aaralan

Pag-aaralan umano ng Commission on Elections (Comelec) ang posibilidad na muling ipagpaliban ang special barangay elections sa Bohol na sinalanta ng lindol noong nakaraang buwan, dahil kabilang din ang lalawigan sa mga sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’ noong Biyernes.



Gayunman, tiniyak ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na tuloy na tuloy na ang pagdaraos ng special barangay polls sa Zamboanga City sa Nobyembre 25.


“Pag-uusapan namin ‘yan (pagpapaliban ng special elections sa Bohol) sa en banc dahil malamang may request na naman for us to postpone the barangay elections,” sabi ni Brillantes.


Matatandaang naantala at itinakda sa Nobyembre 25 ang halalan sa Bohol matapos mapinsala ang probinsiya ng magnitude 7.2 na lindol noong Oktubre 15, habang ipinagpaliban din ang eleksiyon sa Zamboanga City kasunod ng pinsalang natamo ng siyudad sa tatlong-linggong sagupaan ng militar at Moro National Liberation Front (MNLF).


Sinabi ni Brillantes na masusi silang nakikipag-ugnayan sa provincial election supervisor sa Bohol upang makakuha ng pinakahuling impormasyon sa feasibility ng pagsasagawa ng halalan sa lalawigan.


Ang barangay elections ay idinaos noong Oktubre 28. – Mary Ann Santiago


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Muling pagpapaliban ng special polls sa Bohol, pinag-aaralan


No comments:

Post a Comment