Tuesday, November 26, 2013

Mommy Dionisia hinahabol din ng BIR

MAGING ang ina ng People’s Champ ay hindi nakaligtas sa paniningil ng buwis ng BIR nang makatanggap ng abiso mula sa kagawaran para sa kanya.


Tanong tuloy niya, “Wala akong hanapbuhay, bakit sinisingil ako ng BIR? Tumatawa na lang ako talaga, ano ba ‘yan?… Wala akong trabaho, binuhay lang ako ng mga anak ko.”


Giit ni Mommy D., hindi niya uurungan ang BIR at handa siyang humarap para mapatunayang wala siyang pinagkakakitaan sa General Santos City.


Labis naman ang hinanakit nito sa warrant of garnishment laban sa mga ari-arian at pera sa bangko ng kanyang anak na si Pinoy boxing champ at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.


Binatikos nito ang pamahalaan, partikular ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa anya’y pang-aapi sa anak na nagbigay ng karangalan sa bansa.


“Bakit inaapi-api niyo ang anak ko, sa pera pa? Hindi [ba] kayo nahiya? Ang pera na tinago ni Manny sa bangko, hindi niya ninakaw. Kita niya ['yan] sa pagboboksing. Pawis at dugo, nagdaan sa katawan niya para makaipon…Nakabawi nga siya sa pagkatalo [sa boksing]… bakit ginulo pa [ng] BIR?”


Ani Mommy D., mangiyak-ngiyak siya nang mapanood ang balita sa telebisyon. Ramdam anya niyang malungkot ngayon ang kanyang anak at nais niya itong makausap.


Matindi anya ang epekto nito kay Pacman lalo’t nais nitong tumulong sa mga kababayang sinalanta ng bagyo sa Visayas.


Una naman nang tinawag na harassment ni Pacman ang kaso sa BIR.


The post Mommy Dionisia hinahabol din ng BIR appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mommy Dionisia hinahabol din ng BIR


No comments:

Post a Comment