Tuesday, November 26, 2013

MILO Little Olympics National Finals, itinakda

Isasagawa ng MILO Little Olympics, ang kinikilala at pinakamahabang running inter-school youth sports competition sa bansa, ang culminating games ng 26th season sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.


May kabuuang 1,600 pinakamahuhusay na batang mga atleta sa nasyon ang magpapang-abot sa Cebu City Sports Center upang pag-agawan ang overall title.



Sa kaagahan ng taon na ito, may 22,000 little champions mula sa iba’t ibang lugar sa bansa ang sumabak sa apat na regional games, pinagwagian ang liga at respeto patungo sa Palarong Pambansa at iba pang major sporting events.


Sa nakaraang season, naunsiyami ang Team Visayas upang maseguro ang kanilang ikaapat na sunog na titulo kontra sa NCR, iniuwi ang tropeo sa unang pagkakataon bilang overall champion.


Sinabi ni MILO Little Olympics Visayas organizer Ricky Ballesteros na siya’y kumpiyansa na ang threetime national overall titlist ay muling makapagpapamalas ng matinding kampanya kontra sa competing teams mula sa NCR, Luzon, at Mindanao.


“Not only are we driven by skilled teams this year, we also have a very strong, personal motivation to win. Recent events have caused many of our friends and families great distress. The MILO Little Olympics gives us – especially the students – something to hope and to fight for,” saad ni Ballesteros.


Sa nakalipas na kalamidad na sumapol sa Central Philippines, sinuyod ng MILO at local organizers ang lahat ng magpapartisipang eskuwelahan sa rehiyon at nakumpirma nila na wala ni isa man sa mga estudyante ang nasaktan.


“All athletes have been accounted for even those in severely affected areas such as Bohol and the Western Visayan region. We are very relieved and grateful for their safety,” dagdag ni Ballesteros.


Pinahigpit din ng organizers ang security measures upang masiguro na ang sports venues ay maayos para sa kompetisyon. Ang bawat venue ay magkakaroon ng dalawang security teams na masusing pinagsanay sa emergency response, bukod pa sa liaison officers na sisiguro sa communications guidelines.


Ang lahat ng tournament managers at safety officers ay sinanay rin at kinausap, ayon sa kanilang nalalaman. “The key to our success will always be preparation. We have inspected all venues and developed an alternative plan for all possible scenarios like typhoons, earthquakes and security threats,” pahayag ni Robbie de Vera, ang MILO Sports Executive.


“In consideration for all those affected by the calamities, we have toned down the celebration as a sign of respect and solemnity.”


Sa loob ng nakalipas na dalawang dekada, nakapagkaloob ang MILO Little Olympics ng mga pagdiskubre ng talento sa pamamagitan ng pagtulong sa mga kabataan na mamintina ang kumpiyansa, practice teamwork at imbibe values.


Sa season na ito ang nagmarka ng unang dalawang kompetisyon, una na ang Baguio City na nagsilbing tahanan ng Luzon regional leg, at pagkadaragdag pa ng paborito ng lahat na basketball sa kanilang roster.


Dahil sa suporta ng Department of Education, local government units (LGUs), Philippine Sports Commission, at Philippine Olympic Committee, gaganapin ang MILO Little Olympics National Finals na kaakibat ang iba’t ibang sports events, kasama na ang athletics, badminton, chess, football, gymnastics, lawn tennis, swimming, table tennis, taekwondo, volleyball,

sipa o sepak takraw at scrabble.


Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring mag-log on sa MILO website (www.milo.com.ph) at sundan ang MILO

on Twitter (@MiloPH).


.. Continue: Balita.net.ph (source)



MILO Little Olympics National Finals, itinakda


No comments:

Post a Comment