Wednesday, November 13, 2013

Military truck sumabit sa poste, 4 sugatan

Apat na sundalo ang sugatan nang aksidenteng sumabit ang kanilang sinasakyang truck sa isang nakatagilid na poste sa Ondoy, Ivisan, Capiz.


Kinilala ang mga nasugatan na sina Corp. Jessie Alegria, SSgt. Edwin Juaneza, SSgt. Sammy Lapidez at Sgt. Bernadro Vijar. Nagtamo ang mga ito ng mga sugat sa ulo nang tamaan ang support bars ng sinasakyang long-bed truck na nahagip ng poste.



Ang mga ito ay mula sa bayan ng Cuartero, Capiz, na namahagi ng relief goods.


Gayunman, maaari nang madaanan ang lahat ng uri ng sasakyan ang mga rutang Tapaz-Iloilo, Sigma-Roxas, Sigma-Passi-Iloilo, Roxas-Dumalag, at Iloilo-Barotac Viejo-Carles. – Beth Camia


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Military truck sumabit sa poste, 4 sugatan


No comments:

Post a Comment