Monday, November 4, 2013

MILESTONE FOR PHILIPPINE TOURISM INDUSTRY


Umabot na sa 3.18 milyon ang mga turistang dumating sa bansa sa unang walong buwan ng 2013, na 11.8% mas marami sa 2.85 miyon sa parehong panahon noong 2012. Ito ang unang pagkakataon na kasaysayan ng turismo ng Pilipinas na sumira sa tatlong milyong itinakda sa pagtatapos ng Agosto. Ang bilang ay 57.83% ng 5.5 milyon na inaasita ngayong taon.



Ang mga South Korean ang karamihan sa bulto ng mga panauhin na uambot ng 822,128 na sinundan ng mga turistang American na 457,819; mga Japanese na umabot sa 293,445; Chinese na nasa 288,826, at mga Austrian na nasa 131,977.


Mas maraming turista ang darating dahil may sampung tourist spot na tinatawag na Philippine Gems, ang itinakda ng Tourism Promotions Board at ng pribadong auditing firm na Isla Lipana Co. Inc. Ito ay ang Batanes; Apo Island, Negros Oreintal; Panglao Island sa Bohol; Danjugan Island sa Negros Occidental; Mt. Kanlaon, Negros Island; Biri Island Rock Formation sa Northern Samar; Caramoan, Camarines Sur; Tubbataha Reef, Palawan; Lake Sebu, South Cotabato; at ang Calaguas Island sa Camarines Norte. Pinagaganda pa ng Department of Tourism ang nasabing mga lugar, na inaayudahan ng mga lokal na pamahalaan at pribadong mga kaagapay.


Prayoridad ng pamahalaan ang pagtataguyod ng turismo. Inaasinta ng Administrasyong Aquino na umakit ng mahigit 6.8 milyong banyagang turista kada taon pagsapit ng 2014, walong milyon sa 2015, at sampung milyon sa 2016. Popondohan ng P30 bilyong budget para sa programa sa turismo mula sa panukalang P2.3 trilyong National Budget at ilalan ito sa pagpapahusay ng international tourism gateway clusters, lalo na sa Laoag, Ilocos Norte, at Vigan, Ilocos Sur; Central Luzon, sumasaklaw sa Subic-Clark-Tarlac-Corregdor, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Zambales, Bataan, at Aurora; Metro Manila at Calabarzon – Nasugbu-Looc-Ternate-Cavite, Laguda de Bay, Batangas, Quezon; Bicol – Camarines at Catanduanes, Albay-Sorsogon-Masbate; Palawan – San Vicente-El Nido-Taytay, Puerto Princesa, at Busuanga-Coron-Culion; Central Visayas – Cebu, Negros Oriental, Siquijor at Bohol; Western Visayas – Iloilo, Negros Occidental, Aklan, Antique, Capiz, at Guimaras; Northern Minanao – Cagayan de Oro, Camiguin, Misamis Oriental, Lanao del Norte, Misamis Occidental, at Bukidnon; at sa Davao Region – Davao City, Samal Island, Davao del Norte, Davao del Sur, Compostela Valley, at Davao Oriental.


Binabati natin ang Department of Tourism sa pangunguna ni Secretary Ramon R. Jimenez Jr. at Undersecretary for Tourism Planning and Promotions Daniel G. Corpuz, iba pang opisyal at kawani sa kanilang pagsisikap na ihatid ang “fun” sa lahat ng bansa, na magreresulta sa isang masigla at positibong paglako ng sektor ng turismo sa Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!


.. Continue: Balita.net.ph (source)



MILESTONE FOR PHILIPPINE TOURISM INDUSTRY


No comments:

Post a Comment