Friday, November 22, 2013

Mga obispo di pipiliting maging social media enthusiasts

NILINAW ng isang kinatawan ng Vatican na wala silang plano na obligahin ang mga Obispo sa buong mundo na maging social media enthusiasts kung hindi sila kumportable dito, kahit pa mismong ang Santo Papa ay aktibo sa social media.


Si Pope Francis ay aktibo sa Twitter gamit ang account na @Pontifex, na sinimulan noon pang panahon ni Pope Benedict XVI.


Ayon kay Pontifical Council for Social Communications (PCSC) Secretary Monsignor Paul Tighe, na siya ring nagmamantine ng Twitter account ng Santo Papa, walang layunin ang Vatican na pwersahin ang mga obispo na sundan ang ehemplo ng Santo Papa sa paggamit ng Twitter.


Sinabi rin ni Tighe na ang mga Obispo sa buong mundo ay pini-pressure ng kani-kanilang mga diocese na maging present sa social media dahil sa paggamit ng Santo Papa ng social media para maihayag ang Salita ng Panginoon.


Gayunman, nilinaw ni Tighe na hindi naman dapat pilitin ang mga Obispo na maging enthusiasts ng social media kung hindi sila kumportable dito.


The post Mga obispo di pipiliting maging social media enthusiasts appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mga obispo di pipiliting maging social media enthusiasts


No comments:

Post a Comment