Sunday, November 3, 2013

Mensahe vs PDAF, DAP, idinaan sa hacking

Ni Jun Fabon


Kasabay ng panawagan para sa malawakang martsa bukas laban sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP), sabay-sabay na na-hack ng grupong Anonymous Philippines ang mahigit 30 website ng gobyerno kahapon.



Umabot sa 36 na website ang sinira ng grupo, kabilang ang sa Office of the Ombudsman, Philippine National Railways (PNR), Optical Media Board (OMB) at mga lokal na pamahalaan.


Ayon sa grupo, humihingi sila ng paumanhin sa abala dahil ito lang ang paraan para maipaabot ang mensahe sa administrasyon ni Pangulong Benigno S. Aquino III ng mga Pilipinong pagod na sa maling demokrasya at sawa na sa mga pulitikong wala umanong iniisip kundi ang sariling kapakanan.


Kaugnay nito, hinimok ng grupo ang publiko na makiisa sa ikinakasang martsa laban sa PDAF at DAP sa Batasang Pambansa bukas, Nobyembre 5.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Mensahe vs PDAF, DAP, idinaan sa hacking


No comments:

Post a Comment