Monday, November 11, 2013

McGee, may fracture sa binti

DENVER (AP) – Hindi muna makaglalaro ang sentro ng Denver Nuggets na si JaVale McGee dahil sa isang stress fracture sa kanyang kaliwang binti.


Ayon sa tagapagsalita ng koponan na si Tim Gelt, nakita sa mga X-ray na mayroong stress fracture si McGee sa kanyang kaliwang tibia noong Linggo.



Dati nang may iniindang pamamaga sa tibia, ang mas malaki sa dalawang buto na nasa pagitan ng tuhod at bukong-bukong, si McGee.


Si Timofey Mosgov muna ang hahalili sa iiwanang puwesto ni McGee sa pagbisita ng Nuggets sa Utah ngayong araw. Inaasahan ding madadagdagan ang mga minuto ni J.J. Hickson sa pansamantalang pagkawala ni McGee.


Ang Nuggets ay kasalukuyang may 1-4, panalo-talo, na rekord sa ilalim ng bagong coach na si Brian Shaw, ang pumalit kay George Karl noong nagdaang summer.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



McGee, may fracture sa binti


No comments:

Post a Comment