Tuesday, November 26, 2013

MAY KAPANGITAN ANG BUHAY

Maaaring kumunot ang iyong noo sa pamagat ng ating artikulo ngayon. Pangit ang buhay kung gagawin mo ngang pangit ang iyong buhay. Pero paano ba pinapapangit ang buhay?



Lahat tayo ay may mga katangian na pumipigil sa nais nating pamumuhay. Kung binabasa mo ito, malamang ay nakahiligan mo lang malaman ang mga tip tungo sa pagpapaangat ng iyong karakter o mga kuwento ng karanasan sa buhay, pero hindi mo naman talaga napapakinabangan sapagkat maaaring hindi mo rin sinusunod ang mga payo rito. Ang totoong problema ay nabubuhay tayo habang may kaakibat na mga alalahanin at mga paniniwala na pumipigil sa ating magtamo ng

magandang pamumuhay. Marami sa atin ang hinahayaan na lang manatili ang mga suliraning iyon sapagkat, gustuhin man nila o hindi, nasanay na sila sa pamumuhay na bigo, malungkot, at pangit.


Narito ang ilang tip upang papangitin ang buhay. Kung ayaw mong pumangit ang iyong buhay, gawin mo lamang ang kabaligtaran.



  • Huwag sundin ang mga utos. – Taglay ng ating mga magulang at mga guro ang mayamang karanasan sa buhay. Sa ating kamusmusan, kapag inatas nilang huwag mong gawin ito, huwag mong gawin iyon, ay tunay ngang hindi ka napapahamak. Pero hindi ka masaya kung hindi ka lalabas sa gabi upang makipag-jamming sa iyong barkada; dahil atas ng iyong magulang na maghugas ka ng pinggan at atupagin ang iyong aralin. Dahil gusto mong pumangit ang iyong buhay, huwag mo silang sundin. Mas masaya talaga ang lumabas sa gabi at makipag-jamming sa barkada.


Upang matamo ang mga pangarap, nagsisikap tayo sa trabaho, gaano man ito kahirap. Sinusunod natin ang utos ng ating puso at isipan na maging mahusay sa trabaho. Sapagkat mas gusto mo ng pangit na buhay, magbulakbol sa oras ng trabaho, magbukas ng personal email o maglaro ng Plants vs. Zombies sa opisina. Tunay ngang mas masaya ka kapag nagbubulakbol.


Marami pang paraan kung paano papapangitin ang buhay sa susunod na issue.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



MAY KAPANGITAN ANG BUHAY


No comments:

Post a Comment