Monday, November 25, 2013

Maulas, Roque, umarangkada sa Angeles leg

Ni Angie Oredo


Umarangkada sina Wenlie Maulas at Nikki Roque upang umabante sa napakailap na tiket National Finals makaraang pagwagian ang huling qualifying leg ngayong taon ng 37th National MILO Marathon sa Angeles City.



Ipinagpag lamang ni Maulas ang hamon ng kalaban sa kalalakihan upang tumuntong sa ikalawang pagkakataon sa National Finals habang ito naman ang unang tagumpay sa kababaihan ni Roque para makuwalipika sa pinakamalaki at pinakaprestihiyosong karera sa bansa.


Ibinulsa nina Maulas at Roque ang nakatayang P10,000 premyo kung saan ay pinangunahan nila ang kabuuang 7,367 estudyante, atleta at mananakbo kung saan ay makakatagpo nila ang 35 pinakamabibilis at nakuwalipikang runners sa huling takbuhan sa Disyembre 8 sa SM Mall of Asia grounds sa Pasay City.


Tinawid ni Maulas ang finish line sa oras na 1:15:53 upang makasama ang 500 iba pang nauna nang nakatuntong para sa pinag-aagawang titulo bilang Marathon King at pagkakataong mapasakamay ang all-expenses paid trip sa 2014 Paris Marathon mula sa nag-oorganisang MILO.


Pumangalawa si Ganny Lou Coloma (1:23:51) at pumangatlo si Ronald Salgado (1:24:01). Ang 24-anyos na si Maulas, nakapagtapos ngayong taon sa University of the East-Manila, ay kinikilala bilang isa sa pinakamahusay na collegiate athlete sa pagwawagi nito ng multiple UAAP Men’s titles sa 800m at 1,500m sa athletics. Tumapos din ito na 4th place sa 2011 ASEAN University Games sa Thailand.


Inamin ni Maulas na nahirapan siya sa pagtakbo sa 21K dahil sa ikalawa pa lamang nitong pagsabak sa distansiya kung saan ang una nito ay ang National MILO Marathon sa San Pablo noong 2010 na nagawa din nitong masungkit ang silya sa National Finals sa kanyang personal best time na 1:14.


“My younger brother, who trains with me, also joined the 5K race earlier. We both hope to make a career out of running and represent the country at international races someday,” sinabi nito. “The MILO Marathon finale is the biggest challenge I am facing and it is the first step towards realizing that dream. I’ll focus on my training for the next two weeks and practice 3 hours a day in preparation for the race.”


Ipinamalas naman ng 20-anyos na si Roque ang kumpiyansa upang mamamayani sa taglay na oras na 1:58:22 at biguin sina Mary Gallano (2:06:52) at Therese Dimalanta (2:07:14). Si Roque, isang government scholar sa Bataan Peninsula State University, ay katulad din ni Maulas na varsity athlete at nagwagi sa maiigsing 3K, at 5K distansiya.


“Ang iniisip ko po habang nasa karera ay manalo ako para may maipakain ako sa pamilya ko,” pahayag ni Roque.


“May nauna sa akin pero inabutan ko sa pagbalik sa ika-12th kilometro,” giit pa ni Roque.


“Transitioning to a more competitive area of the sport is not an easy feat, which is why the National MILO Marathon maintains well-designed races for our country’s best college athletes. Whether it is the shortest or the longest distance in the discipline, runners are able to meet a certain level of challenge in the MILO Marathon that drives them to become better on the track. We are proud to welcome new faces in the MILO arena, and hope that they become the next wave of champions who will bring pride to our country,” pagmamalaki naman ni Andrew Neri, ang MILO Sports Executive.


Nakapagbigay na, bilang commitment sa pagdevelop sa sports sa bansa ang MILO, ng kabuuang 33,200 sapatos sa mga estudyante ng pampublikong eskuwelahan sa pamamagitan ng MILO’s Help Give Shoes advocacy.


Katulong ang Department of Education, ibinahagi ng MILO ang 500 pares ng running shoes sa beneficiary schools sa Angeles City na kinabibilangan ng Dr. Clemente Dayrit Elementary School, Arayat Central School, Pampanga National High School, Manibaug Elementary School, at San Fernando Elementary School.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Maulas, Roque, umarangkada sa Angeles leg


No comments:

Post a Comment