Wednesday, November 13, 2013

Mass burial, paglabag sa karapatang pantao – WHO

NAGPAALALA ang World Health Organization (WHO) laban sa gagawing mass burial sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda.


Base sa ipinadalang “Management of Dead Bodies in Disaster Situations” manual ng WHO sa Department of Health (DOH), ang isasagawang mass burials na walang tamang beripikasyon o pagkakakilanlan sa mga namatay ay isang paglabag sa karapatan ng mga miyembro ng namatayang pamilya.


Matatandaang umabot sa 150 bangkay ang inilibing sa isang mass grave sa Palo, Leyte noong nakaraang araw.


Ang hakbang ay sa pangambang magkaepidemya at magdulot ng sari-saring sakit sa Leyte, isinagawa na ang mass burial grave sa daan-daang kaswalidad ng super typhoon Yolanda.


May 150 na nangangamoy na bangkay na wala pang pagkakakilanlan ang kumpirmadong napasama sa mass grave malapit sa Palo church, sa Leyte.


The post Mass burial, paglabag sa karapatang pantao – WHO appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mass burial, paglabag sa karapatang pantao – WHO


No comments:

Post a Comment