Saturday, November 23, 2013

Mariel, nagbabalik-loob sa Kapamilya!

BALIK Kapamilya raw ang TV host na si Mariel Rodriguez pagkatapos mag-end ang kanyang kontrata sa Kapatid network na kasabay rin ang pagtatapos sa ere ng kanilang noontime show, ang Wowowillie.


Sa pagbabalik ni Mariel sa ABS-CBN, makakasama niyang muli si Toni Gonzaga para sa pagbubukas ng bagong season ng PBB Edition. Masaya naman ang kaibgan niyang si Toni dahil makakasama niyang muli ang dating kaibgan at katrabaho na si Mariel. Kabaliktaran naman ito sa mga kumakalat na chikang ayaw raw makasama ni Toni ang maybahay ni Robin Padilla. Mas pabor daw ni Toni na makasama ang kanyang kapatid na si Alex Gonzaga sa pagho-host ng bagong season ng PBB, na agad naman itong pinabulaan ng singer/actress.

“Wala pong katotohan ang mga kumalat na tsimis na ayaw kong makasama si Mariel. Huwag naman po kasi nakakahiya sa kanya. Kaibgan ko ‘yung tao at matagal ko ring nakasama sa maraming show rito sa ABS-CBN. Sana lang, walang ganung intriga,” bungad niya.


Minsan na rin kasing nagkaroon ng konting hidwaan ang dalawa nang tawagin ni Mariel si Toni ng ‘duling’ ngunit naayos din naman agad kaya sana, pakiusap ni Toni, huwag na silang pag-awayin dalawa dahil magkaibigan naman daw sila.

“Sa totoo lang po, ‘yung mga nangyari sa amin ni Mariel noon tapos na ‘yun. Parehas na kaming naka-move-on sa isa’t isa. Huwag na sanang intrigahin pa kami dahil magkaibigan po kami ni Mariel and I have nothing against her. Dapat magmahalan tayong lahat dahil maikli lang po ang buhay natin.

“Sa totoo lang po, wala na akong mahihiling sa rami ng blessing na dumarating sa akin,” dugtong pa niya.


###


PAGKATAPOS siyang i-launch sa pelikulang Menor de Edad, sunod-sunod na ang naging proyekto ni Meg Imperial. Tila ang pelikulang ito ang nagbigay ng suwerte sa kanyang career at mabilis siyang napansin ng Kapamilya network na agad napasabak sa top rating serye sa umaga, ang ‘Be Careful With My Heart’ at kasabay nito ang pagbibigay ng panibagong proyektong pang hapon, ang GALEMA,Anak Ni Zuma kung saan ginagampanan niya ang papel na Gina, bunsong kapatid/pinsan ni Galema (Andi Eigenmann). Halos sabay silang lumaki ni Galema at naging close sa isa’t isa dahil na rin sa pagmamahal ng kanilang mga magulang na sina Isabel (Sunshine Cruz) at si Philip (Carlos Morales ). Ngunit ang lahat ay nagbago at nagkaroon ng twist ang kanyang character bilang si Gina.

“Sobrang saya nga po nang ibigay nila sa akin ang ganitong klaseng role. From mabait tapos magkakaroon ng konting pagbabago. ‘Yun po ang dapat abangan nila sa ‘king character na tiyak na kaiinisan n’yo ako rito. At siyempre, ‘yung buong kwento ng Galema, very exciting po na tiyak n’yong aabangan po,” sabi niya.


Kamusta namang katrabaho si Galema?

“Naku, sarap katrabaho niya. Mabait at magaling umarte. Kala ko nga nu’ng una medyo suplada pero hindi pala. Hahaha…” dagdag pa niya.


Sa ganda ng career niya sa ngayon, may balak pa siyang gumawa ng mga daring role katulad ng ginawa niya before, ang Menor de Edad?

“Depende po siguro sa script or kung gaano po ka-daring at siyempre depende rin po sa management ko kung ano po ‘yung mas makabubuti para sa akin, ” kwento pa niya.


We are mounting entitled 18 MPH (18th Miles per hour). The 18th Birthday Concert of our baby Michael Pangilinan at Zirkoh-Tomas Morato on November 26-9PM 2013. With guest’s Luke Mejares, Jimmy Bondoc, Duncan Ramos, Carlo Aquino, Miss Tres, Prima Diva Billy, Willy Jones, Aj Tamisa, Chazz, Gladys Guevarra at Allan K. Minsan na tayong pinakilig at pinahanga ng Bagong Kilabot ng mga Kolehiyala kaya suporthan natin siya sa kanyang Birthday Concert dahil alam naman nating pagdating sa kantahan at sayawan ay hindi siya matatawaran. So, ano pa ang hinihintay natin? Block our calendar on the said date dahil tiyak maraming pasabog na gagawin ang ating birthday boy para sa kanyang birthday concert show. Pak!!!


The post Mariel, nagbabalik-loob sa Kapamilya! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mariel, nagbabalik-loob sa Kapamilya!


No comments:

Post a Comment