Thursday, November 7, 2013

Manila Bay Resorts, kikinang sa 2015

Ni Charina Clarisse L. Echaluce


ISANG ginintuang resort ang kasalukuyang itinatayo ng Tiger Resort, Leisure and Entertainment, Inc. sa loob ng Entertainment City complex, Parañaque City, na nakatakdang buksan sa 2015.


Kilala ang Manila Bay sa pagkakaroon ng pinakamagandang sunset na nagbibigay ng ginintuang kulay sa dagat. Ang nasabing resort ay nagpahayag na lalong paniningningin ang likas na tanawin na nakikita rito kapag lumulubog ang araw.



Bukod sa epekto ng kalikasan, tampok din sa itinatayong 44-hectare facility ang elegante at modernong disenyo.


Magkakaroon ito ng dalawang plush hotels, six-star at five-star, at 20 food and beverage destinations, retail and spa facilities, at residential properties.


Itatayo rin ang 30,000 sq.m-casino na magiging bukas 24/7 at magkakaroon ng 500 table games at 3,000 machines, at ang man-made beach resort naman nito ay magkakaroon ng 100-meter diameter indoor Glass Dome.


Sisiguraduhin din ang kaligtasan ng mga bisita nito sa pamamagitan ng paggamit ng Japanese technology sa construction ng mga gusali.


Hindi lang pagiging tourist attraction ang layunin ng nasabing proyekto. Ayon sa top honcho ng Tiger, Inc. na si Vice President Kenji Sujiyama, target ng Manila Bay Resorts project na makahatak ng maraming tao, lokal man o dayuhan, upang magkaroon ng malaking ambag sa ekonomiya ng bansa at sa mga Pilipinong nangangailangan ng hanapbuhay. Ito ay magbibigay ng humigitk umulang 15, 000 na trabaho. Hangad din nitong makatulong sa mga nasalanta ng lindol at bagyo

sa Visayas.


Bukod pa rito, nauna nang tumulong ang Tiger, Inc. sa mga biktima ng Bagyong Pablo sa pamamagitan ng pagbibigay ng suplay ng bigas na nagkakahalaga ng P2.5-million.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Manila Bay Resorts, kikinang sa 2015


No comments:

Post a Comment