Thursday, November 7, 2013

MAKILING NAMED ASEAN HERITAGE PARK

Inaprubahan kamakailan ng mga environment minister ng sampung bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang nominasyon ng Mount Making Forest Reserve sa Laguna bilang ika-33 ASEAN Heritage park (AHP) at ikalima sa Pilipinas.



Ang pagsama ng maalamat na bundok sa listahan ng mga heritage parks sa rehiyon ang nagbunsod sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na paigtingin ang pangangalaga ng napakagandang forest reserve na ito at umaasang magdudulot ito ng mas malawak na kooperasyon ng mga kinauukulan upang matiyak ang pangmatagalang proteksiyon at konserbasyon nito.


Tahanan para sa University of the Philippines-Los Baños campus, isang popular na tourist destination ang Mount Makiling dahil sa taglay nitong hot springs, camp sites, magagandang tanawin, at mga hardin. Ang forest reserve nito ay isa sa 18 sentro ng plant diversity at 32 key ecotourism site ng bansa. Ang Mount Makiling ang nag-iisang itinalagang AHP sa Luzon. Ang apat pang AHP sa bansa ay ang Mount Apo Natural park, Mount Kitanglad Range Natural Park, at ang Mount Malindang Range Natural Park na lahat nasa Mindanao; at ang Mount Iglit-Baco National Park sa Occidental Mindoro.


Idinedeklara ang mga AHP upang katawanin ang conservation efforts sa mga lugar na mahalaga o kakaiba sa larangan ng biodiversity. Noong Disyembre 18, 2003, lumagda ang mga environment minister sa ASEAN Declaration hinggil sa mga heritage park sa Yangon, Myanmar, upang itaguyod ang kooperasyon ng mga bansang miyembro sa pagkakaroon at pangangasiwa ng mga action plan para sa mga natural park ng rehiyon at iba pang mahahalagang ecosystem.


Binabati natin ang pamahalaan sa pangunguna ni Pangulong Benigno S. Aquino III, at ang Department of Environment and Natural Resources sa pamumuno ni Secretary Ramon Jesus P. Paje, sa kanilang pagsisikap na gawing tuluy-tuloy ang kaunlaran, sa kanilang paglalaan ng proteksiyon, konserbasyon, at pangangasiwa ng kalikasan para sa kasalukuyan at darating pang henerasyon sa Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!


.. Continue: Balita.net.ph (source)



MAKILING NAMED ASEAN HERITAGE PARK


No comments:

Post a Comment