Saturday, November 23, 2013

Magaling na host/comedian si Aga!

SWAK kay Aga Muhlach ang game show na Let’s Ask Pilipinas ng TV5. Aliw factor si Aga sa show na hindi magagawa ni Ryan Agoncillo kung napasakanya ang show dahil seryoso type ito. Parang hindi baguhan si Aga na game show host.


Biniro nga siya na kulang na lang ang cyber sex sa pakikipagharutan niya sa mga magaganda at seksing contestants sa internet.

Magaling siya mag-adlib na pasok talaga sa banga. Umaarte siyang binata sa show na hindi naman nakaiilang na panoorin.

Ang paglalandi niya sa show at panliigaw kuno ay isa sa nagpapasaya sa show lalo na ‘pag game ang contestant.


Masuwerte ang TV5 na tinanggap ni Aga ang Let’s Ask Pilipinas dahil dati ay tinanggihan niya ang The Singing Bee ng ABS-CBN 2 na napunta kay Cesar Montano. Kahit noontime show at teleserye ay inalok na siya dati pero hindi niya ginawa. Buhos kasi ang oras niya sa serye.

Kung gagawa man siya ng serye na hindi niya tatanggihan ay ‘yung nasa beach ang location at taong-tao ang dating. Hindi ‘yung naka-make up at nakaporma ng damit.

Pero may naaamoy kami na may concept si Aga na pang-noontime show na posibleng gawin ng TV5, huh! Mukhang pinaplano rin niyang ilatag ito sa Singko.

Talbog!


-0o0-


HINDI naniniwala si Christopher Roxas sa isyung kumalat sa Facebook na diumano’y ayaw papasukin ang mga hindi miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa kanilang simbahan sa Balasan, Iloilo habang kasagsagan ng bagyong Yolanda.

“Ako, bilang Iglesia, hindi ako sure kung hindi pinapasok o namili o ano. Pero, I think, bilang tao at nakikita mong ganun kaano, hindi mo naman siguro ila-lock ‘yun para pabayaan sila. Kasi ako, ang unang stand ko noong marinig ko ‘yun, siguro ano lang… confident ako na hindi ganun, ‘yun. Kasi, labas ang religion, bilang tao na lang ang usapin doon. Tanggal na ang religion na Iglesia ka ba o hindi,” deklara niya nang makatsikahan namin siya sa taping ng Pyra na nasa huling linggo na.


Anyway, masaya si Christopher sa Pyra dahil ito pala ang unang regular teleserye niya sa Kapuso network.

Nasa cast din ang asawa niyang si Gladys Reyes pero hindi sila magkaeksena. “Ang saya-saya ko na wala! Kahit nga sa kabila, merong show na magkasama kami, sinasabihan ko ang handler ko na, wala lang, ‘Yan na naman? Wala nang iba?,” natatawa niyang sambit.


-0o0-


HUMAHATAW ang comedy unit ng ABS-CBN 2 dahil nominado ang mga ito sa 27th PMPC Star Awards for TV na gaganapin ngayong gabi, Nov. 24 sa AFP Theater. Nominado ulit sina Jayson Gainza-Banana Nite, Pooh-Banana Split: Extra Scoop, Robin Padilla–Toda Max, Vhong Navarro-Toda Max para sa Best Comedy Actor

Sa BEST COMEDY ACTRESS naman ay nominado sina Alex Gonzaga-Banana Nite, Angel Locsin-Toda Max, Angelica Panganiban-Banana Split: Extra Scoop, Pokwang-Toda Max.

Ang Banana Nite, Banana Split: Extra Scoop at ang Goin’ Bulilit para sa Best Gag Show of the Year at Best Comedy Show.


Anyway, Ngayong Linggo (Nobyembre 24), hatid ng mga kiddie at teen show ng Kapamilya network ang mensaheng dapat maging positibo sa panahon kung kailan marami ang nangangailangan ng tulong sa pag-guest star ni Xian Lim sa Goin’ Bulilit.

Bibisita ang cast sa isang bahay-ampunan sa darating na episode kasama si Xian, kung saan ipapakita ang kasiyahan sa proseso ng adoption. Kasama rin ng mga bulilit ang kanilang Kuya Xian sa mga paboritong segment ng show tulad ng Mutyaya ng Masa at How? How? I know how with Islaw.

Bukod sa Goin’ Bulilit, nominado rin ang teen comedy show na Luv U bilang Best Youth Oriented Show.

Sa LUV U naman ay takot pa rin umamin si Drake (Jairus Aquino) na naghihirap na ang kanyang pamilya. Ang nakaaalam pa lang nito ay sina Lexie (Alexa Ilacad) at Shirley (Sharlene San Pedro). Kahit nakhahalata na ang kabarkada niyang si Archie (Kobi Vidanes) ay idine-deny pa rin niya it pero dahil sa tunay na pagkakaibigan ng mga teen ay malalaman din ni Drake na marami ang gustong dumamay at tumulong sa kanya kung magiging tapat lang siya sa kanyang sarili.

‘Yun na!


The post Magaling na host/comedian si Aga! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Magaling na host/comedian si Aga!


No comments:

Post a Comment