Friday, November 22, 2013

Mag-asawa kritikal sa riding-in-tandem

KRITIKAL ang mag-asawa matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek sakay ng motorsiklo habang sakay din ng motorsiklo ang mga una sa Caloocan City Biyernes ng gabi, Nobyembre 22.


Ginagamot sa FEU Hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan si Felipe Pallarca, 47 habang sa Novaliches General Hospital naman dinala sanhi rin ng tama ng bala sa katawan ang misis nito na si Julita, 48, kapwa ng Block 1, Mhoa 1, Llano ng lungsod.


Sa ulat, alas-6 kagabi, angkas ni Felipe ang asawa at pagsapit sa Llano Road ng lungsod ay sinabayan ng mga suspek sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka at pinagbabaril ang mag-asawa.


Inaalam na ng mga pulis kung sino at ano ang motibo sa pamamaril sa mga biktima.


The post Mag-asawa kritikal sa riding-in-tandem appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mag-asawa kritikal sa riding-in-tandem


No comments:

Post a Comment