UMAPELA ang chairman ng House Committee on Public Information na si Misamis Occidental
Rep. Jorge Almonte sa mga nagsusulong sa Freedom of Information Bill na bigyan ng sapat na
panahon ang komite para sa konsolidasyon ng mga panukala.
Sa kanyang text message ay kinumpirma ni Almonte na tuloy ang nakatakdang meeting ng komite bukas at wala aniyang dahilan upang ito ay ipagpaliban.
Nauna rito ay nagpatutsada na si Ifugao Rep. Teddy Baguilat na napakabagal aniya ng paggalaw
ng komite kahit nabuo na ang technical working group nito.
“Please accord me sufficient latitude to discuss matters like this with the committee itself,” paliwanag naman ni Almonte.
Sinabi pa ni Baguilat, isa sa mga pangunahing may-akda ng FOI bill na hindi pa nakapagtatakda
ng meeting ang TWG para sa konsolidasyon ng FOI bills hangga’t walang koordinasyon kay
Almonte.
Unang nagsagawa ng organizational meeting ang komite noong October 22 at bukas, Martes,
November 26, ang ikalawang meeting.
Umaasa si Baguilat na bukas ay maitakda ang meeting o kahit ang timeframe o deadline ng
trabaho ng TWG.
Inaasahan din ni Baguilat na magiging mabilis na ang consolidation ng FOI bills para agad na
rin itong maipasa sa komite at mai-refer sa plenaryo.
The post Mabagal na usad ng FOI bill inalmahan appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment