Sunday, November 3, 2013

LPA sa E. Mindanao bagyo na– PAGASA

NABUO na bilang bagyo ang namataang Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Mindanao.


Sa ulat ng PAGASA, nabuo bilang tropical depression kaninang pasado alas-6:00 ng umaga ang LPA.


Tinawag ito bilang bagyong Wilma, ika-23 sama ng panahon sa bansa.


Sa ngayon ay may lakas itong 45 kph at huling namataan sa 240 kilometro sa Hinatuan City.


Nakapaloob pa rin ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) na nakaaapekto sa Visayas at Mindanao.


Samantala, easterlies naman o hanging nagmumula sa Pacific Ocean ang nakaaapekto sa malaking bahagi ng Luzon.


Ang Metro Manila at mga karatig na lugar ay magiging makulimlim at asahan ang biglaang mahinang ulan sa ilang bahagi ng rehiyon.


The post LPA sa E. Mindanao bagyo na– PAGASA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



LPA sa E. Mindanao bagyo na– PAGASA


No comments:

Post a Comment