Wednesday, November 13, 2013

LPA palabas na ng bansa – PAGASA

PATULOY pa rin ang mararanasang pag-ulan sa ilang bahagi ng Palawan sa kabila ng paglayo ng dating tropical depression Zoraida na ngayon ay isang low pressure area (LPA) na lamang.


Ayon sa ulat ng PAGASA, huling namataan ang naturang LPA sa layong 380 kilometro sa hilagang kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan.


Inaasahang lalabas ito sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong umaga.


Samantala apektado naman ng easterlies o hangin at kaulapang nanggagaling sa Pacific Ocean ang eastern section ng Luzon at Visayas, kasama na ang mga dinaanan ng super typhoon Yolanda.


Maliban sa mga ito, magkakaroon din ng makulimlim na panahon sa Cagayan Valley, Bicol at Aurora.


Habang ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay maganda ang panahon, maliban sa bandang hapon na may mga biglaang mahihinang pag-ulan.


The post LPA palabas na ng bansa – PAGASA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



LPA palabas na ng bansa – PAGASA


No comments:

Post a Comment