Saturday, November 2, 2013

LPA nakapasok na sa PAR – PAGASA

NAKAPASOK na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang binabantayang low pressure area (LPA) sa karagatang Pasipiko.


Ito ang kinumpirma ni Joey Figuracion ng PAGASA.


Ayon kay Figuracion, huling namataan ang weather system sa layong 870 kilometro sa Silangan ng Mindanao (7.8°N, 134.7°E).


Nakapaloob ito sa inter-tropical convergence zone (ITCZ) na nakaaapekto sa katimugan ng bansa.


Sa ngayon, hindi pa mararamdaman sa lupa ang epekto ng LPA ngunit posible pa itong lumakas habang papalapit sa Pilipinas.


Kung magiging ganap na bagyo ay tatawagin itong tropical depression Wilma.


The post LPA nakapasok na sa PAR – PAGASA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



LPA nakapasok na sa PAR – PAGASA


No comments:

Post a Comment