Tuesday, November 19, 2013

Lirio Vital, ‘di pa rin limot ng kanyang fans

MAY nag-blind item na reporter kay Lirio Vital at tinawag pa siya nitong laos. At ang da height ay pinalabas ng writer na naghihirap na si Lirio at naniguro raw ito na magkaroon ng TV guesting para mabawi ang ipinamasahe galing Tate papunta rito sa Pinas. Ang kaso mo, wala naman daw pumatol sa favorite singer ni Tita Armida Seguion-Reyna.


Naku naman, may nag-imbita naman kay Lirio no! Saka kung hindi siya nagmamadali dahil sa may ilang show pang haharapin sa Amerika ay may ilang pang naka-line up na guesting for her. Saka hindi totoong osla na siya dahil noong mag-guest siya sa showbiz radio program namin with my amigang Pete A and Abe Paulite na Star na Star sa DWIZ(882 KHZ) ay dagsa-dagsa ang text messages na aming tinanggap mula sa mga tagahanga ni Lirio.


Sa sobrang touch nga ng singer na sumikat during late 70′s and 80′s ay nagpaplano itong mag-comeback at ngayong January ay babalik ng bansa para sa ilang commitment na kanyang mga natanguan. Wala namang ilusyon si Lirio na star pa rin siya pero ‘yun na nga, marami pa ring fans na nagmamahal sa kanya. Mga inggitera gyud!


MOVIEGOERS BAWING-BAWI SA 9 LOVE SCENES NINA GABBY AT CRISTINE SA WHEN THE LOVE IS GONE

IN one week time, umabot na sa halos 2 million hits sa Youtube ang full trailer ng ipinagmamalaking pelikula ng Viva Films para sa taong ito na When the Love is Gone. Ibig sabihin ay marami na ang mga nag-aabang para mapanood ang nasabing obra ni Direk Andoy Ranay na base sa napanood naming trailer, sa ganda at kalidad ng pagkakagawa ay puwedeng i-level sa namayapang si Direk Danny Zialcita na siyang may likha ng classic movie noong 80′s. Inspired dito ang movie nina Gabby Concepcion at Cristine Reyes kasama sina Alice Dixson, Andi Eigenmann at Jake Cuenca kung saan may special participation naman ang isa sa reyna noon ng Viva na si Dina Bonnieve.


Naging smooth ang trabaho ni Direk Andoy sa kanyang mga artista dahil sa talagang magagaling silang lahat at hindi pa nag-inarte. Nang sabihin niya kay Gabby na kailangan nitong magtanggal ng t-shirts at shorts ay walang tanggi ang guwapong aktor. Gano’n na rin si Cristine na ginawa talaga ang 9 na matitinding love scenes nila ni Gabby sa gubat, dagat, swimming pool, kuwarto, kotse etc.


At hindi lang ang mga seksing eksena ang handog ng pelikula kundi ang ganda ng takbo ng istorya nito. Kaaliw rin ‘yung scene na nagtatalakan sina Cristine at dating gay husband na si Jake Cuenca kung saan nag-dialogue ang actress na inggit lang si Jake sa kanya sa title niyang Miss Cubao.


Si Alice ang asawa rito ni Gabby at si Andi ang anak nila. Naghiwalay sila dahil nahumaling ang aktor sa tindi ng alindog ni Cristine na madalas namang away-awayin ng mag-inang Alice at Andi.

Mapapanood na ang When The Love is Gone nationwide sa November 27 at may Premiere Night sila sa Nov 26 sa Glorietta 4 Cinema 3. Abangan rin ang International Screenings ng nasabing romantic drama film na malapit na. Bale part ang movie ng 32nd anniversary ng Viva Films na naghatid sa atin ng mga quality film.


KRIS AT X-FACTOR PH, NOMINADO SA ASIAN TV AWARDS


PASOK sa listahan ng nominees ng Asian Television Awards (ATA) 2013 ang Kris TV host na si Kris Aquino at ang hit talent-reality show ng ABS-CBN na The X Factor Philippines.


Si Kris ang kaisa-isang nominado mula sa Pilipinas para sa Best Entertainment Presenter/Host category kung saan makatutung- gali niya ang apat pang TV hosts mula sa Singapore at Thailand. Samantala, nag-iisang Philippine nominee rin ang The X Factor Philippines sa kategoryang Best Reality Show kasabay ang iba pang programa mula sa Singapore, Indonesia, India, at China. Base sa opisyal nilang websiteATA.onscreenasia.com), ang Asian TV Awards ay ang pinakaprestihiyosong award-giving body sa Asya na kumikilala sa husay ng mga Asyano sa larangan ng TV programming, production, at performance. Ang resulta ng kompetisyon ay pagpapasyahan ng ‘expert panel’ na binubuo ng mahigit na 50 hurado mula sa buong rehiyon ng Asya.


Gaganapin ang awards ceremony at gala dinner ng Asian TV Awards sa Disyembre 5 (Huwebes) sa Resorts World Sentosa sa Singapore.


The post Lirio Vital, ‘di pa rin limot ng kanyang fans appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Lirio Vital, ‘di pa rin limot ng kanyang fans


No comments:

Post a Comment