Tuesday, November 26, 2013

Lider ng Korean mafia tiklo sa Pampanga

NAKUWELYUHAN ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Korean national na itinuturing na most wanted sa kanilang bansa.


Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Seoul Central District Court, hindi na nakapalag pa nang palibutan ng BI operatives ang suspek na si Cho Yang Eun sa kanyang hideout sa Angeles, Pampanga.


Ang suspek na itinuturong pinuno ng Korean mafia ay sangkot din sa high-profile fraud, extortion at pananakot sa kapwa-Koreano sa Pilipinas.


Marso 30, 2012 nang kanselahin ng Korea ang pasaporte ng nasabing pugante.


The post Lider ng Korean mafia tiklo sa Pampanga appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Lider ng Korean mafia tiklo sa Pampanga


No comments:

Post a Comment