Thursday, November 7, 2013

Libong pasahero istranded sa Sorsogon

LIBONG pasahero ang istranded ngayon sa pier ng Matnog, Sorsogon dahil sa kinansela nang mga biyahe ng sasakyang pandagat sa naturang lugar.


Ayon sa Office of Civil Defense-Region 5, tataas pa ang nasabing bilang dahil may mga hindi na rin nakabiyahe sa pantalan ng Tabaco, Albay at Pasacao, Camarines Sur.


Samantala, sinuspinde na rin ang biyahe ng mga bus mula Naga City pa-Maynila na posibleng abutan ng bagyong Yolanda sa daan.


Kanselado na ang biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Bicol region dahil sa inaasahang paghagupit ng bagyong Yolanda.


Dahil dito, dumarami na ang pasahero ang stranded ngayon sa Masbate port.


Ayon sa Philippine Coast Guard Bicol, hihigpitan pa nila ang kanilang monitoring upang matiyak na walang magpupumilit na maglayag at wala ring makalulusot na mga mangingisda na pinagbabawalan ding pumalaot.


The post Libong pasahero istranded sa Sorsogon appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Libong pasahero istranded sa Sorsogon


No comments:

Post a Comment