Wednesday, November 13, 2013

LeBron, namuno sa panalo ng Heat; Mavs, nagwagi vs Wizards

MIAMI (AP)– Umiskor si LeBron James ng 33 puntos at hindi na nagbalik sa kabuuan ng ikaapat na quarter habang nagdagdag naman si Michael Beasley ng 19 puntos mula sa bench at halos hindi nahirapan ang Miami Heat na talunin ang Milwaukee Bucks, 118-95, kahapon.


Ito ang season-high point total para sa Miami, na mayroong 58 porsiyento mula sa field.



Nagtapos si Mario Chalmers na may 15 puntos at 7 assists para sa Heat, habang 10 naman ang idinagdag ni Chris Bosh para sa Miami (5-3).


Sina John Henson at Gary Neal ay nakaiskor ng tig-18 puntos, habang 11 naman ang kay Giannis Antetokounmpo para sa Milwaukee, ang lahat ay mula sa bench. Tanging si Caron Butler ang starter na nagtapos sa double-digits para sa Bucks (2-4) sa kanyang 10 puntos.


Naglaro ang Miami na wala sina Udonis Haslem at Ray Allen. Si Shane Battier ang humalili kay Haslem bilang starter.


Nakakuha ng 17 puntos si James sa ikatlong quarter, kung saan nakamit ng Heat ang 85-62 abante. Lumamang ang Heat sa 56-45 sa halftime at 32-23 matapos ang unang quarter.


Nakabawi ang Heat mula sa nakadidismayang pagkatalo nila sa Boston Celtics noong Linggo.


Ang eksplosibong pagpapakita ni James ay natakluban ng tahimik na gabi ng guwardiya ng Heat na si Dwyane Wade, na nagkasya lamang sa 8 puntos sa kanyang 31 minutong paglalaro sa korte.


Tanging 35% lamang ang nagawang field goals ng Milwaukee sa unang tatlong quarter bago nakagawa ng 33 puntos laban sa second at third-termers ng Heat sa huling 12 minuto.


Samantala, nagtala si Dirk Nowitzki ng 19 puntos upang malampasan si Jerry West sa NBA career scoring list patungo sa 105-95 panalo ng Dallas Mavericks kontra Washington Wizards.


Nakapagbuslo si Nowitzki ng tatlong sunod na 3-pointer sa ikatlong quarter, kung saan ang ikalawa ang nagbigay sa kanya ng 25,194 puntos para sa ika-16 puwesto, lamang ng dalawa kay West.


Nagtapos si Nowitzki sa 8-of-19 mula sa field kasama ang 8 rebounds, 2 assists at 2 steals.


Siya ngayon ay may 25,197 puntos sa kanyang career. Si Reggie Miller ang nasa ika-15 sa listahan sa kanyang 25,279 puntos.


Umiskor si Vince Carter ng 16, at 13 naman ang iniambag ni Samuel Dalembert sa unang half at nagtapos na may 15 puntos. Si DeJuan Blair ay mayroong 9 puntos at 11 rebounds.


Nanguna naman si Marcin Gortat sa kanyang 12 puntos at 12 rebounds para sa Washington.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



LeBron, namuno sa panalo ng Heat; Mavs, nagwagi vs Wizards


No comments:

Post a Comment