Tuesday, November 26, 2013

Lalong darami ang mga batang babaeng papatol sa mga lalaking lolo na lang nila!

MALAMANG na madagdagan sa panahong ito ang bilang ng mga batang babae na papatol sa mga lalakIng kaedad na ng mga lolo nila.


Malamang din na madagdagan ang bilang ng mga edad ingkong na na magpapa-convert sa Muslim religion para mapakasalan nila ang mga menor de edad pa sa punto de vista ng Revised Family Code of the Philippines. Siyempre pa, pati ang mga “daisy” (as in “daisy-sais anyos”) ay kailangang magpa-convert din muna.


Aha! Most likely ay nadagdagan din ang mga edad lolo na umiidolo kay Freddie. Nanaisin din nilang maanakan ang mga babaeng ang edad ay anak na nila–o baka nga apo pa!


Samantala, ulilang lubos (No, Dhan. Buhay pa ang ermats at erpats niya. – Ed) na ba si Jodie Gatdula Adlao, ang teenager na kasi-17 years old pa lang pero nagpakasal na kay Freddie pagkatapos na pagkatapos nilang magpa-convert sa relihiyong Islam?


Sa ilalim lang kasi ng Muslim laws pwedeng magpakasal ang mga kabataang wala pang 18 years old. Bawal ‘yon sa Family Code of the Philippines. Pero maski na nu’ng Kristyano pa sina Freddie at Jodie, walang lumilitaw na magulang o guardian ni Jodie. Ulilang lubos na nga ba siya? O may ibang agenda ang mga magulang o guardian n’ya sa pagsasawala nilang kibo?


Responsibilad ng mga magulang, o ng mga guardian, ng mga teenager na pamunuan ang mga pasya nila habang hìndi pa sila of legal age.


Pwede namang sabihing Jodie is in good hands. Mabuting tao naman si Freddie. Responsible naman siya. May hanapbuhay at may negosyo. Inaalagaan naman n’ya maski na ang mga anak n’yang malalaki na at may mga pamilya na rin. Halos lahat yata sila ay involved sa music bilang singer at musician, halimbawa’y sina Megan at Jericho. May anak na si Megan, as far as we know.


Matagal nang hiwalay si Freddie sa ina ng mga malalaki nang anak n’ya. Hindi namin alam kung kasal si Freddie sa ina ng mga anak n’ya na isang banyaga yata(?). Tisoy na tisoy ang mga anak n’yang lalaki na napanood na naming nagpe-perform sa Ka Freddie’s bar nu’ng nasa Malate pa ito (parang lumipat na ito sa Tomas Morato Ave. sa Quezon City, pero ‘di pa namin napapasok ang bagong bar na ‘yon). Parang ang yumaong si Dolphy siguro si Freddie na maraming naging “misis”, maraming naging anak—pero walang napakasalan. Baka si Jodie ang unang babaeng napakasalan ni Freddie.


Parang masuwerte si Jodie, kung ganun.

Hindi naman dahil nag-asawa si Jodie ng kaedad na ng lolo n’ya ay mapapalungi na siya. Kasi nga ay kay Freddie siya na-inlove at nagpakasal. And as we stressed earlier, responsbleng lalaki naman si Freddie. Nakagugulantang lang nga na ang isang bata pa ay umiibig na sa kababata ng lolo n’ya. Nakagugulantang din na sa dinami-rami ng mga babaeng magaganda at seksi na hindi menor de edad, sa isang sweet 16 na-inove si Ka Freddie!


Dahil biglang newsmaker uli si Freddie, ang bigla naming naisip ay ‘yung pamangkin niyang nakakulong sa Quezon City jail, si Jason Ivler, anak ng kapatid niyang si Marlene Aguilar-Pollard (na dahil sa ganda niyang Pinay na Pinay at kutis niyang kayumangging kaligatan, ‘ika nga, ay napakatindi ng appeal sa mga banyaga).


Inaresto at ikinulong si Jason dahil sa pagkamatay ng anak ng isang Malacañang executive na umano’y binaril n’ya kaugnay ng ‘di nila pagkakasundo sa traffic sa isang kalye sa Quezon City. Nag-Google kami, at napag-alaman namin na nu’ng January ng taong ito ay tapos na ang prosecution lawyers ng paghaharap ng mga ebidensya nila laban kay Jason na nu’ng teenager pa lang ay panandaliang naging miyembro ng That’s Entertainment ni German “Kuya Germs” Moreno sa GMA network.


Itinakda nu’ng February 21 ang pagsagot naman ng mga abugado ng nasasakdal. Wala kaming nahanap sa Google kung natuloy ‘yung hearing nu’ng February 21.


Siguro naman ay nasa kulungan pa si Jason hanggang ngayon. At kung nakakulong pa siya, tatlong taon na siya actually sa kulungan. Sa picture n’ya na nakita namin sa isang broadsheet na may petsang January 21, malusog naman siya, nagpa-skinhead (kalbo), at mukha namang masaya. Nakangisi siya sa litrato n’ya.


Samantala, gaya ng dati, kahit may sarili na siyang bar, nagsyu-show pa rin si Freddie sa ibang bar. May napulot kaming flyer sa Morato na nag-a-announce na may show siya sa Cowboy Grilled sa kanto ng Timog at Quezon Avenue sa QC ngayong November 28.


Oo nga pala, alam n’yo bang sa Facebook ay binati ni Roin Padilla si Freddie sa pagpapakasal nito. Pareho na nga kasi silang converted Muslim ngayon. Naging Muslim si Robin nu’ng nakakulong siya sa Munti. Pareho na silang pwedeng magkaroon ng apat na asawang sabay-sabay under Muslim tradition. Alam kaya ng teenager pang si Jodie na pwedeng mag-asawa pa ng tatlo na kasabay n’ya si Freddie dahil nga Muslim na sila. Mabuti nga’t wala naman tayong nababalitaang bagong asawa ni Robin—bukod pa kay Marielle Rodriguez na parang walang pinagkakaabalahan ngayon sa showbiz mula nu’ng magsara na ang noontime show ni Willie Revillame kung saan isa siya sa mga co-host.


The post Lalong darami ang mga batang babaeng papatol sa mga lalaking lolo na lang nila! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Lalong darami ang mga batang babaeng papatol sa mga lalaking lolo na lang nila!


No comments:

Post a Comment