Tuesday, November 5, 2013

Lalaki, binaril ng tricycle driver sa binyagan, patay

Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang isang lalaki na bumaril at nakapatay sa kanyang kasamahan habang sila ay nagiinuman sa isang binyagan Pasay City noong Lunes ng gabi.


Kinilala ng Pasay City Police ang suspek na si Billy Chua, tricycle driver, ng Libertad St., Pasay City habang ang biktima ay si Ryan Bacsal, 20, ng Tagumpay St., Pasay City.



Sinabi ni PO3 Rodolfo Suquina, offi cer on case, na kapwa naimbitahan lang ang dalawa sa binyagan sa bahay ng kanilang kaibigan sa No. 2431 Decena St., Pasay City nang bigla silang magkainitan sa pagtatalo dakong 9:36 noong Lunes ng gabi.


Walang sabi-sabi nang bumunot si Chua ng baril at ipinutok ng dalawang beses sa sentido ni Bascal bago ito tumakas.


Isinugod naman ng mga bisita sa binyagan si Bascal sa Pasay City General Hospital kung saan ito ideneklarang dead-on-arrival.


Ayon sa pulisya, wala sa mga bisita ang nais magbigay ng pahayag sa pinag-ugatan ng argument nina Chua at Bascal. – Mitch Arceo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Lalaki, binaril ng tricycle driver sa binyagan, patay


No comments:

Post a Comment