Tuesday, November 26, 2013

Kumpanya sa NCR, magluluwag sa requirements

Nagluwag sa kani-kanilang requirements ang ilang kumpanya sa Metro Manila para sa libulibong naapektuhan ng super bagyong ‘Yolanda’ na nasa National Capital Region (NCR) ngayon, ayon sa Department of Labor and Employment (DoLE).



Ito ang pahayag ni DoLE-NCR Assistant Regional Director Nelson Hornilla habang naghahanda ang kagawaran na tulungan sa paghahanap ng trabaho ang mga binagyo mula sa Visayas, na nagsiluwas sa Metro Manila para muling magsimula sa buhay.


Aniya, pumayag ang Philippine Association of Local Service Contractors (PALSCON) na magluwag sa mga requirement nito para sa mga kukuning empleyado upang agad na matulungan ang mga binagyo, na karamihan sa preemployment documents ay nawaglit dahil sa bagyo.


Kasabay nito, inatasan ni DoLE Secretary Rosalinda Baldoz ang lahat ng tanggapan ng kagawaran sa Pilipinas na magtayo ng Employment Facilitation Service Center/Desk para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa bagyo, at sinabi ni DoLE-NCR Director Alex Avila na nagbukas na ang kagawaran ng 17 Public Employment Service Offices (PESO) help desk sa Metro Manila, partikular sa Pasay City, Makati City at Pañaque City.


May 5,000 apektado ng bagyo ang lumuwas sa Metro Manila simula noong nakaraang linggo. – Samuel P. Medenilla at Mina Navarro


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Kumpanya sa NCR, magluluwag sa requirements


No comments:

Post a Comment