Monday, November 18, 2013

Kelot tigok sa samurai at pukpok

TIGOK ang isang kelot makaraang pukpukin ng martilyo at tagain ng samurai sa Urdaneta, Pangasinan.


Patay na nang matagpuan ang biktimang kinilala sa pangalang Jay-r, residente ng Marawi City na nakalugmok sa kanyang inuupahang apartment sa Brgy. Vicente, nasabing lungsod.


Matinding sugat sa ulo ang ikinamatay nito mula sa martilyo at taga ng samurai.


Nakuha sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang dalawang duguang martilyo at dalawang foil at iligal na droga.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa naturang insidente na hinihinalang dahil sa alitan sa droga.


The post Kelot tigok sa samurai at pukpok appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot tigok sa samurai at pukpok


No comments:

Post a Comment