Monday, November 25, 2013

Kelot pinasabog ang ulo sa Malabon

SABOG ang ulo ng isang binata nang malapitang barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin kagabi, Nobyembre 25 sa Brgy. Catmon, Malabon City.


Dead on spot si Salvador Dela Cruz, 34, ng 13 Consuelo St. Brgy. Acacia sanhi ng tama ng kalibre 45 sa ulo.


Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na tumakas dala ang ginamit na baril.


Sa imbestigasyon, alas-9:00 kagabi nang barilin ang biktima sa kahabaan ng Gov. Pascual Ave., sa nasabing barangay.


Nauna rito, naglalakad ang biktima nang sundan ng suspek at barilin nang malapitan sa ulo.


Inaalam na ang motibo sa krimen.


The post Kelot pinasabog ang ulo sa Malabon appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot pinasabog ang ulo sa Malabon


No comments:

Post a Comment