Tuesday, November 26, 2013

KAYA TAYO SINASALOT AT ‘MORE POWERS’ MANNY!

HANGGANG Disyembre na lang ang pagbibigay ng “relief goods” sa mga biktima ni Yolanda.


‘Yan, parekoy, ang ipinahayag ng ating pamahalaan para maturuan umano ang mga biktima ng kalamidad kung paano tumayo sa sarili nilang mga paa.


Ibig sabihin, dapat sa loob ng anim na linggo simula ng manalasa si “Aling Yolanda” ay nakapag-move on na dapat ang mga kawawang biktima.


Dapat ay makapag-“full blast” na sila sa paghahanapbuhay para buhayin ang kanilang mga sarili at pamilya.


At para makatutok nang husto sa mga panibagong pagkakakitaan ay huwag na muna nilang isipin kung nauulanan ba o nabibilad sa araw ang kanilang natitirang pamilya.


At dahil ninakaw ni “Yolanda” ang mga kagamitan, ay huwag na muna nilang isipin kung may kaldero ba silang pagsasaingan o pinggan na kakainan.


Pwede rin na sa pagpasok sa trabaho ay nakabahag na muna ang iba sa kanila na minalas at hindi nabiyayaan ng mga ipinamigay na mga damit!


Higit sa lahat, ang mga biktima na namatayan ng mga mahal sa buhay ay agaran na munang pahirin ang mga luha at iligpit ang hinagpis upang makapag-concentrate sa paghahanapbuhay!


‘Yan parekoy ang mga nais ipahiwatig dito sa deklarasyon ng pamahalaan na hanggang Disyembre na lang ang pamimigay nila ng relief goods. Tangna!


Hindi natin sinasabing hindi maganda ang hikayatin ang mga biktima na unti-unti nang bumangon mula sa trahedya.


Pero dapat ay unahin munang ipalasap sa mga biktima ang tulong ng pamahalaan kung paano sila magkaroon ng masisilungan, maibibihis, masasaingan at mapaghahanapbuhayan!

Kaunting awa naman ‘pag may time!


Sandali, parekoy, bakit hindi yata binanggit ng pamahalaan kung saan nila dadalhin ang “relief goods” mula sa ibang bansa na susobra pagkatapos ng Disyembre?


Kaya tayo sinasalot, eh, ultimo na lang mga donasyong “relief goods” ay madalas pang pinag-iinteresan! King-ina talaga!


Kunwari itinatabi, hmmp . . . Para tuloy laging may pinaglalaanan na trahedya!

Kaya tayo sinasalot! Bwisit!


-o0o-


Congratulations po kay pambansang Kamao Rep. Manny Pacquiao rito sa kanyang pinakahuling panalo kontra kay Brandon Rios.


Kitang-kita, parekoy, na nanumbalik na ang kanyang bilis sa ibabaw ng lona!


Pero kung tatargetin ni Pacquiao na makaharap ang mayabang na si Floyd “bad weather”, este, Mayweather ay may dapat siyang idagdag para makatiyak tayo ng panalo.

Magdagdag ng kaunting lakas!

At tiyakin na hindi maging liberal! Hak, hak, hak!


The post KAYA TAYO SINASALOT AT ‘MORE POWERS’ MANNY! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



KAYA TAYO SINASALOT AT ‘MORE POWERS’ MANNY!


No comments:

Post a Comment