Saturday, November 23, 2013

Kasambahay kritikal sa bala

KRITIKAL ang isang housemaid matapos barilin ng kelot habang naglalakad ang una sa Caloocan City kagabi, Nobyembre 23.


Ginagamot na sa East Avenue Medical Center sanhi ng tama ng bala sa tiyan si Sara Jane Mabunga, ng Norsagaray, Bulacan.


Pinaghahanap naman ang suspek na si Rogelio Balbin, 42 ng Saint Joseph St., Tala ng lungsod.


Sa ulat, alas-10 ng gabi, naglalakad ang biktima kasama ang isang Henson Agustin nang barilin ng huli.


Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa EAMC.


Inaalam na ang motibo sa pamamaril.


The post Kasambahay kritikal sa bala appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kasambahay kritikal sa bala


No comments:

Post a Comment