Tuesday, November 26, 2013

KASALANAN BA NI RD?; CHAIRMAN KINAIINISAN

pakurot NOON concerned ang marami, government and non-government organization at maging ang private individuals, sa pagsugpo ng droga sa Pilipinas.


Nariyang nagtayo pa ng iba’t ibang grupo para labanan ang bigtime at street level drug pushing at drug using na nauuwi kadalasan sa addiction.


Maraming pamilya ang nasira, kabataan ang napariwara at buhay na nawala dahil sa paggamit ng droga pero bakit ngayon ay balewala na sa pulisya ang paglaban sa droga?


Noong nakaraang linggo, sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bahay ng isang chairman sa Sampaloc, Maynila dahil sa talamak na bentahan ng droga riyan at nakumpiska ang milyong halaga ng droga, bukod pa sa matataas na kalibre ng baril at illegal gambling paraphernalia.


Hindi naman bulag ang pulisya kaugnay sa bentahan ng droga sa lugar subalit hindi sila makakilos matapos ipag-utos ni National Capital Region Police Office Director Chief Supt. Marcelo Garbo Jr. ang pagbuwag sa station anti-illegal drugs (SAID) sa kanyang nasasakupan.


Ayaw kasi ni Gen. Garbo sa maliitang huli o street level accomplishment sa drugs na nagiging daan daw ng pangongotong ng mga pulis.


Pero okay lang kay Bogarbs ang pagkalat ng droga? Gusto ni RD na kilo-kilo ang huli pero ang tinatrabaho naman ng mga tao niya, lalo na ang Regional Police Intelligence and Operation Unit (RPIOU) ay sugal.


Ay naku RD, makahuhuli nga ng kilo-kilong shabu kung priority ng mga tao mo ang sugal.


Ipinagyayabang pa ng mga tao mo na operatiba ka kaya naiintindihan mo ang trabaho pero mali yata ang hakbang mo.


Huwag mo nang hintayin na hindi na makontrol ang droga bago ka kumilos. Huwag mo nang hintayin na may mga buhay na mawala at kinabukasang masira bago mo ipatrabaho ang droga.


o0o


Inis ang ilang residente ng Barangay 131 Zone 11, District 1 sa Maynila sa kanilang chairman na si Armando Rugas dahil wala raw itong pakialam sa mga nagaganap sa kanyang barangay na nasasakupan.


Sa kanilang reklamo, sinabi ng mga impormante na mas mahalaga kay chairman ang pangangalaga ng mga video karera na nagkalat sa kanilang barangay. Maging ang mga adik daw ay pagala-gala lang sa lugar.


Pinaka-latest na pangyayaring ikinainis ng ilang residente ay noong Nobyembre 19, kung saan may biktimang binaril at pinatay ng riding in tandem.


Sa halip na rumesponde ang mga tanod na dapat sana ay rumoronda, isinara umano ng mga ito ang barangay hall at hindi pinakinggan ang paghingi ng tulong ng ilang saksi sa pamamaslang.


The post KASALANAN BA NI RD?; CHAIRMAN KINAIINISAN appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



KASALANAN BA NI RD?; CHAIRMAN KINAIINISAN


No comments:

Post a Comment